Deleted Scene

7.1K 144 80
                                    

After he read Cassie's  message....

Drixler's POV

Hindi break-up ang pinakamasakit, hindi ang pag-iwan. Ang pinakamasakit na parte sa pag-ibig ay ang umasa. Yung aasa ka sa hindi sigurado. Yung parang nakikipagsugal ka na hindi mo alam kung mananalo ka o matatalo. Yung umaasa kang makakasama mo pa siya, mamahalin ka pa bang muli o umaasa ka nalang sa wala. Ang hirap ng ganito.

Gusto kong umiyak.Gusto kong ilabas ang lahat. Ang sakit. Ang lungkot. Ang galit. At ang hirap. Nais kong isigaw ang nararamdaman ko. Iparinig sa inyo ang lahat ng pighati. Ipaalam sa inyo na hindi ko na kaya. Ilabas ang init. Ang init ng damdamin kong hirap na hirap na. Sawa na akong magtiis. Maaring sumuko na. Bumigay na nang tuluyan. Ito nalang siguro ang tanging paraan. Ang iiyak at ilabas ang lahat. Kulang pa ang isang case ng alak. Kulang pa ang dosenang advice. Siguro, itong pagiyak nalang ang makakapagpaluwag ng loob ko. Ibuhos ang lahat ng nararamdaman para maging maayos na ako. Sa bawat pagpatak ng luha. Sa bawat hikbi. Sana pagkatapos ng lahat ng ito. Nailabas ko na ang dinadala ko. Sana pagkatapos ng luha, saya na. Maluwag na dibdib. Magaan na pakiramdam. Sa bawat pagiyak. Sana mailabas ko na ang lahat.

*Putang Inang pagmamahal ito!*

********

Sana nagkaka-amnesia rin ang puso. Para makalimutan ko na kung gaano kasakit itong nadarama ko simula nung araw na iniwan mo ako hanggang ngayon na puro ala-ala na lang ang lahat ng sa atin. "Bakit Cassie! Bakit!!!!!" isinisigaw ng utak ko.

"Tang-ina talaga!" Sigaw ko sa kawalan and I'm literally breakdown here in my room.

Halos lahat ng makita at mahawakan ko ay itinatapon ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ng mga oras na ito. Dahil walang laman ang utak ko kundi ang salitang "bakit" at kung ano ano pang mga tanong na hindi ko alam kung saan ko kukunin ang kasagutan.

Tumayo ako, lumapit sa may laptop ko iniopen ang email ko, nakita ko muli ang message niya inulit kong basahin baka sakaling maintindihan ko, pero sadyang hindi matanggap ng isip at puso ko na tinatapos na niya ng tuluyan ang kung anong meron kami kahit ito komplikado na.

Pinindot ko ang reply at nagsimula akong magcompose ng message para sa kanya.

"Sana bago mo ako binitawan, inisip mo yung unang beses mo akong nakilala. Sana naisip mo yung mga magagandang ala-ala nating dalawa, yung eagerness natin na makuha ang isa't-isa.Sana naisip mo na ang dami na natin pinagsamahan, ang dami na nating mga bagay na naayos. Pero dahil sa napagod ka, itatapon mo lang lahat yun? Itatapon mo yung taong andyan kahit anong oras mo kailangan, itinapon mo yung taong kahit anong sabihin mo makiki go with the flow mapasaya ka lang. Itinapon mo yung taong binigay ang lahat lahat sayo, ni hindi na niya naisip sarili niya.  Tinapon mo yung taong mahal na mahal ka, tanggap lahat ng pambabaliwala mo sa kanya, dahil ano? Napagod ka. Napagod ka sa ano? Kakaayos? Kakaayos ng paulit ulit? Tang-ina Cassie! Pero isipin mo, naayos naman natin diba? Bakit ngayon pa tayo susuko kung saan kaya na natin labanan lahat yan, kung saan sa ulo na natin ang bawat galaw ng isa't isa, bakit kailangan mo sumuko? Bakit tayo napapagod? Bakit ka napagod? Ako kasi, napapagod din ako, pero putang-ina kahit kailan, hindi ko inisip na tapusin, magpapahinga ako pero kahit kailan, hindi ko binalak na tapusin kasi naniwala ako na katulad ko, magpapahinga ka lang. Pero alam mo ang mali ko? Naniwala ako sa paniniwala kong yon. Naniwala ako na kaya mo. Naniwala ako na kahit napapagod ang tao, lalaban pa din kasi mahal niya ito. Pero hindi pala, hindi mo pala ako ganoon kamahal katulad ng pagmamahal ko sayo. Araw araw ko pinapaalala sayo na hinding hindi, hinding hindi ako magsasawa o mapapagod sayo pero ano. Ikaw yung sumuko, ikaw yung nangiwan. How? How do you do that? How do you left a guy who just love you so much? Pano mo naatim na makipagbreak ng ilang ulit sa lalaking sinasabi mong hindi mo kayang mawala sa buhay mo? Paano? Am I occupying a big part of you or am I just a tiny particle in the bottom of your heart? Bullshit!, sobra akong nasasaktan na naiisip ko na maybe i am the man you loved the least! Ang sakit sakit. Ang sakit na talaga. Diko maintindihan kung pano mo to nagagawa sakin? Pano mo nagagawa sakin lahat ng to. Diko maintindihan, diko maisip. San ba ako nagkulang? Bakit ginaganto mo yung pagmamahal ko sayo? Bakit napakaliit ng tingin mo sa pagmamahal at pagiintinding ibinibigay ko sayo? Bakit Cassie? Bakit moko ginaganito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now