Chapter 28 - Wondering

4.3K 117 4
                                    


Cassie's POV

Kakalabas lang namin ni Chel ng company, nakita ko ang shuttle namin na nasa kabilang side ng road madami na ang nakasakay doon.

"Nakababa na ba sina Jigs, Chel? Tanong ko sa kasabay ko sa paglalakad

"Oo, nasa sa shuttle na sila ni Gwapo, hinihintay na lang tayo," tumingin muli ako sa kinaroroonan ng shuttle natanaw ko ang gwapong mukha ni Drixler sa may bintana na nakatingin sa amin.

May ngiting kusang lumabas sa mukha ko ng makita ko siya at kahit medyo malayo, tanaw ko na nakangiti rin siya. Patawid na kami ng kalsada ng may biglang sumulpot na lalaki sa tagiliran ng kinatatayuan ko.

"Hi, Cassandara," napalingon ako sa lalaking nakangiti na ngayon ay katabi ko na at nagbigay kaway lang kay Chel.

Ngumisi ako bahagya, "Hello," Ibanalik ko ang paningin ko sa daan, tumawid na kame.

Nang malapit na kame sa shuttle muli akong tumingin sa gawi ni Drixler. Kung kanina nakangiti pa siya ngayo naman parang may kaaway ang hitsura niya na nanlilisik ang mga mata. "Bakit gan'on siya makatingin?" Bulong ko sa sarili.

Yumuko ako para di makita ang masamang tingin niya sa amin ng kasabay kong lalaki na di ko pa kilala. Papaakyat na sana ako ng shuttle ng magsalita uli ang lalaking kasabay ko.

"Cassandra, ako nga pala si Jon, nice meeting you." Pormal niyang pagpapakilala na inilahad ang kamay

Inabot ko ang kamay niya bilang pagtanggap, "nice meeting you too, Jon, Cassie na lang itawag mo sa akin," wika ko pa at sumunod na sa naunang umakyat na si Chel.

Pagkaakyat ko nakatingin na naman sa akin ang mga tao sa shuttle, "ganito ba talaga dito pag may bago sa company na ito." ngumiti na lang ako habang papalapit sa kinauupuan ni Drix, 'yon na lang kasi ang vacant seat.

Di ko mapigilan na di mapatingin sa mga matang nakatingin sa akin may ibang ngumingiti pabalik sa akin may iba naman na deadma lang.

Pagkaupo ko sa tabi ni Drix, kita ko na ipinikit niya ang mga mata niya. "Hi, good morning," malumanay kong sabi sa katabi ko. Hindi niya ako tinugon kaya medyo nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. "Natutulog ba siya?" tanging nasambit sa isip ko.

Sumandal ako sa upuan at itinuon ang atensyon sa celfone ko. Nagtype ako ng message kay Mama at Papa kasi namimiss ko na sila, habang busy ako sa sa pagtatype naramdaman ko umibo ang katabi ko.

Hinayaan ko siya, di ko pinansin ng makabawi naman sa ginawa niyang pandedeadma sa akin kanina, tsk!

"Sorry," muntik ko ng mabitawan ang hawak kong celfone ng bumulong siya sa akin.

"Maaga ako mamatay nito sa ginagawa mo sa akin, Gwapo!" Singhal ko sa sarili sabay hingang malalim.

"Huh! Bakit?" Pagmamaang-maangan ko sa kanya,

"Because you ignored earlier" pabulong pa niyang sabi.

Ayaw ko sana siyang harapin pero mukhang di ko kayang gawin, kaya itinago ko ang celfone ko bago humarap sa kanya.

"It's ok, apology accepted." Nakangiti kong sabi, at lumabas ang mga ngiti sa labi niya.

Biglang naglaho naman ang inis na naramdaman ko kanina ng humingi siya ng pasensya sa inasal niya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit bigla na lang siyang nawala sa mood, pero naunahan ako ng hiya. "Maybe next time, Cassie." bulong ng isip ko.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now