Chapter 47 - Fire

3.8K 106 4
                                    

Drixler's POV

"I love you too, and also sorry to make you feel jealous. Hindi ko na uulitin na maramdaman mo uli 'yan, boo." sabi ko at hinalikan siya sa noo, muli ko siyang niyakap na para bang nanggigigil ako.

"At iiwasan ko na rin na magselos, love." wika naman niya.

First time ko ginawa ito sa isang babae ang suyuin siya at maging kalmado sa tantrums niya. Sa mga naging past ko never ko ata silang sinuyo pag may ganitong pangyayari, hinahayaan ko lang sila, ang dahilan ko lilipas din iyon or di nila ako matitiis.

Pero sa babaeng yakap-yakap ko ngayon, ewan, parang biglang naglaho ang dating Drixler. Nahanap ko na yata yung katapat ko, pero actually.. Hindi ko pala siya hinanap, dumating nalang siya bigla sa buhay ko.. At parang iisipin ko pa lang na mag-aaway kami ngayon mahihibang na ako.

Kumalas ako sa pagkakayakap dahil naisipan ko na kantahan siya, kami lang naman ang tao dito sa videoke room naka-lock ang pinto kaya walang makaka-istorbo sa amin.

Tumayo ako at lumapit sa videoke para pumindot ng kanta, kinuha ang mic at saka umupo muli sa tabi ni Cassie.

"Alam mo ba ang kantang ito, boo?" tanong ko sa kanya.

"Yes," nakangiti niyang sagot

"Stand up ka nga boo,"

"Huh? bakit, kelangan ba nakatayo pa tayo sa pagkanta?" pagtataka naman niya

Umiling-iling ako at nakangiti lang.

"Hindi...basta tayo ka na," wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin.

Tumindig siya, nanatili akong nakaupo. Hinawakan ko ang isang kamay niya at dahan-dahang inilapit siya sa akin, nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng susunod kong gagawin, tinapik tapik ko ang isang hita ko at saka...

"Sit down, boo." napamaang naman siya.

"Per—" bago pa siya makapagsalita mabilis kong hinila siya para mapaupo sa kandungan ko.

Inilingkis ko ang isang kamay ko sa kanyang beywang.

"Love." mahina niyang sambit na nagbigay naman sa akin ng kakaibang pakiramdam.

Ewan kung ano ang naramdaman niya ngunit inilingkis niya ang kamay niya sa aking balikat at ang mukha niya ay idinikit pa sa aking ulo na parang hinagod ng kanyang mga labi ang aking buhok. Napayuko ako at napapikit sa kanyang ginawa.

Nag-angat ako ng mukha para tingnan siya. Muling sumilay ang malapad na ngiti sa mapupulang labi niya bago siya nagsalita.

"Binabaliw mo ako, Cassie." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kanya.

"Let's sing together, love." tanging pagtango lang ang naisagot ko.

Ibinaling ko ang paningin sa screen at nagsimula na ang intro ng kanta.

Drix:
I was a man
Who always played around in love
So quick to take
But so afraid to give enough
But now I've found the one
And heaven will only know
What only my eyes can say
And time can't take away

Tumingin ako sa kanya habang binibigkas ang mga lyrics ng kanta. Nakatingin lang din siya sa akin. Inilapit ko ang mic na hawak ko malapit sa bibig niya.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now