Chapter 48 - Concern

3.8K 92 1
                                    


Third Person's POV

Naging masaya ang bawat araw na lumipas kina Cassie at Drixler, habang kanilang pinagsasaluhan ang tamis ng kanilang pagmamahalan. Tila wala ng puwedeng humadlang pa sa kanilang suyuan sa bawat araw na daraan.

Maayos nilang nagagampanan ang kani-kanilang trabaho sa company, magkahiwalay man sila ng department di naman sila nawawalan ng oras para masilayan ang isa't-isa pag oras ng breaktime.

Nag-umpisa na ang liga ng basketball sa kanilang dorm at leading ang team nina Drixler sa buong kopunan, hindi nila naging muse si Cassandra dahil hindi napapayag ng mga kakwarto ang boyfriend nito. Ilang laro pa at maglalabanan na ng championship.

"Gwapo, tingnan mo mamaya sa bulletin board ang schedule ng game. May ilalabas daw mamaya ang committee." wika ni Louie na kakapasok palang ng cleanroom para palitan si Drixler.

"Ok pare, huwag ka mag-alala back to back champion tayo." sabi pa ni Drixler sa kaibigan na parang siguradong sigurado na.

"Sigurado!" nag-apir pa ang magkaibigan at sabay na nagtawanan.

"Siya nga pala Louie boy, ano balita sa apply natin?" Tila nagulat naman si Louie sa itinanong ng kaibigan.

"Bukas ko pa malalaman gwapo, tatawag si Auntie bukas."

"Sa palagay mo, next year makakaalis na ba tayo?" pag-uusisa pa ni Drixler sa kaibigan

Nagpakibit naman ang isang balikat ni Louie.

"Siguro, bakit, ready ka na ba kung sakali?"

Natigilan sandali si Drixler sa tanong ni Louie.

"Ready na nga ba ako?" naibulong niya sa sarili

Hindi niya sinagot ang tanong ni Louie dahil di rin niya alam kung ano ang isasagot sa kaibigan.

Nagtatalo sa isip niya ngayon ang salitang 'Oo at Hindi'. Sa halip na sagutin niya nagtanong nalang muli siya baka makahanap siya ng magandang isasagot sa tanong ng kaibigan.

"Louie boy, pwede ko bang pag-aplayin si Cassie?" napatingin sa kanya si Louie na inaayos ang mga papel na nasa mesa.

"Pwede naman, pero mas mabuti gwapo pagdating na natin doon. Alam mo naman ang sinabi ni Auntie dati di ba?"

Tumango-tango lang si Drixler sa sinabi ni Louie. Napatingin siya sa orasan na nasa tabi ng computer nila. Lumapit siya kay Louie, tinapik ang balikat at nagpaalam na.

"Balitaan mo nalang ako bukas, pre. Akyatin ko na si Cassie sa taas baka naghihintay na 'yon."

"Sige gwapo, sabihin mo na sa kanya habang maaga pa. Ingat kayo."

Lumabas ng cleanroom si Drixler ng may iniisip, hindi niya alam kung paano sasabihin sa girlfriend ang tungkol sa apply niya pa Canada na anytime pwede siyang umalis sa Taiwan at lumipad papunta doon.

"Lalim ng iniisip mo pre, ah." bungad ng isa pa niyang kaibigan na si Jigs na naunang makarating sa kanya sa locker room.

Napatingin siya at bahagyang napangiti lang sa sinabi ni Jigs.

"Ano pre, aakyat ka na rin ba? Sabay na tayo."

"Oo." dali-daling hinubad ni Drixler ang lab gown na suot at isunot ang mga sapatos niya.

Bahagya niyang sinuklay ng kamay ang mga buhok niya para umayos ng kunti.

"Tara na," aya niya kay Jigs at sabay nilang tinungo ang elevator.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now