Chapter 44 - Better Man

3.7K 104 7
                                    


Drixler's POV

Naglalakad kami ng kaibigan kong si Louie papuntang court para sa meeting ng liga dito sa dormitoryo namin. Napansin ko na tahimik siya parang may malalim na iniisip, parang alam ko naman ang dahilan ng walang imik niya.

"May problema ba, pre. Ang tahimik mo, malapit na ako mabingi." sabi ko sa kanya habang tuloy lang sa paglalakad.

Sumulyap siya sa akin na may napakaliit na ngiti as in maliit lang.

"Ganito ata talaga ang pakiramdam ng talunan, hindi magawang ngumiti." napatigil ako saglit sa paghakbang at napatingin ako sa kanya.

"Si Cassie..." pakli ko pa at muling humakbang.

"Kalimutan mo na ang sinabi ko, ok ako, lilipas din ito. Masaya ako para sa'yo, dahil sa wakas nakahanap ka na ng katapat mo. Ingatan mo lang para di makuha sa'yo ng iba." parehas lang kame nakatingin sa kawalan habang naglalakad.

"Nang makilala ko siya, Dun ako nagsimulang ingatan siya, ginagawa ko ngayon at gagawin ng paulit ulit para di makuha ng iba."

Iyon talaga ang totoo una ko palang nakita si Cassie, naramdaman ko na sa sarili ko na gusto ko siya alagaan at mahalin.

Ganon ata talaga pagnaka-tadhana sayo ang isang tao wala kang magiging dahilan para alagaan at mahalin siya. Kusa mong mararamdaman ito, di mo mamalayan na iniingatan mo na siya, minamahal mo na siya at ayaw mo na mapunta o mahawakan ng iba.

"Good..., Hanggang kailan mo siya kayang mahalin?" sumulyap ako sa kanya saka ibinalik ang paningin sa daan.

"Ang alam ko kasi, kapag ako, sinabi kong "Mahal ko" ibig sabihin, mahal ko siya at kaya kong hawakan at panindigan buong buhay ko. Mahal ko siya at kaya kong piliin, di lang isang beses, kundi paulit-ulit wag lang siyang mawala. Mahal ko siya, kaya hindi ko kailanman gugustuhing mawala yung ngiti sa mukha niya, susubukan ko ang lahat wag lang siyang masaktan. Mahal ko siya, hindi lang sa salita, hindi lang para malaman niya, sisiguraduhin kong gagawa ako ng paraan para maramdaman din niya iyon. Mahal ko siya, na kahit walang kasiguraduhan ang kinabukasan, ang alam ko gagawin ko ang lahat magwork lang 'to, na hanggang huli kami, kami lang. Yan ang pagmamahal ko para sa akin. Ganyan ang nararamdaman ko kay Cassie, ganyan ko siya kamahal." seryosong tono kong sabi.

Tumingin siya sa akin pagkatapos kong sabihin iyon, hinawakan niya ang balikat ko tinapik-tapik iyon.

"Better man?" may ngiting sabi niya

I nodded and smirk.

"Siguro nga, it's time to be a better man, bro. Ito na siguro yong sinasabi na RIGHT ONE + TRUE LOVE, mga bagay na pag pinalampas natin mahirap ng makahanap ulit. Kaya pag nakahanap ka ng right one at true love mo, huwag mo ng pakawalan. hehehe." inalakbayan ko siya at medyo niyapos sa may leeg saka ginulo buhok niya.

"Wala atang nakatadhana sa akin, hahahaha"

"Gago, wag ka kasing atat,hintayin mo lang. hehehe"

Sabay kami napatawa sa mga pinagsasabi namin.

Minsan lang kami magka-usap ng seryoso nitong si Louie, pag sinabing seryoso makikita niyo ang tensyon pero in the end of our talking andun parin yung kakulitan at respeto namin sa isat-isa bilang magkaibigan.

Nakadating kami sa court ng nagtatawanan ni Louie mga nakaupo na ang ibang team kasama mga coaches nila, Luminga-linga ako para makita kung saan nakapwesto ang mga gunggung.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now