Chapter 21 - Accompanied

4.5K 121 10
                                    


Jayme's POV

6:15pm natapos ang paglilinis namin ng cleanroom para sa next shift, mabilis kong natutunan ang mga gawain at trabaho sa department namin sa tulong ni Papa Louie.

"Jayme, kunin mo na yung mga basura, ituturo ko naman sa'yo kung saan inilalagay ang mga 'yan." utos ni Papa Louie habang tinatapos ang pag checheck ng naging output namin this day.

"Nakuha ko na, papa... wait na lang kita," malambot na tono kung sabi.

Lumapit ako sa may tabihan at sinilip ang ginagawa.

"Madami ba tayo reject, papa?" usisa ko pa sa kanya.

Umiling-iling lang siya, "Hindi naman, mas madami pa rin ang good quality, kaya congrats sa atin, lalo na sayo, mabilis mo nakuha ang mga tinuturo ko." masayang balita niya sa akin sabay kinamayan pa ako.

"Ay! Thanks God! " masayang masaya ko naman reaksiyon.

"Oh, tara na, baba tayo, itapon na natin ito at salubungin natin sina Gwapo at Jigs, padating na mga yun." wika pa niya.

Lumabas kame ng cleanroom at dumiretso sa locker at hinubad ang mga suot na uniporme na nakadoble lang sa mga suot naming damit, maging ang hairnet at iniwan sa loob ng locker.

Itinapon namin ang mga basura ng makababa na kame sa pinaka ground floor ng company, nasa ikatlong palapag kasi ang aming cleanroom. Lumabas kame ng company, naupo sa isa sa mga bench na nadoon.

Hindi pa kadiliman ang paligid at madami ng nakatambay din sa labas na tila naghihintay na lang ng oras para umuwi. Napansin ko busy sa mga phone ang tao pati ang kasama ko kaya nakigaya na rin ako.

Ilang sandali pa ang lumipas at may pumarada ng shuttle bus sa harapan ng kinauupuan namin.

"Andito na sila," mahinang sambit ng katabi ko.

Bigla ko naman naalala si bessy, kaya naexcite ako na makita siya bumababa sa bus. Nagbabaan na ang iba pero di ko pa nakikita ang bessy ko.

"At nasaan ang Reyna ng Kagandahan, naiwan ata?" nagtatakang sabi ko sa isip.

Nakita ko ang mag jowang Jigs at Chel na bumaba kaya mabilis akong tumayo at lumapit sa kanila maging ang katabi ko ay tumayo na rin.

Habang papalapit ako kina Jigs at Chel na magkaholding hands, "Hello, lovers," bati ko sa kanila na, "Kasabay niyo ba si bessy? bakit di pa nababa?" sambit ko pa na may pagtataka.

"Pre, si Gwapo, asan? di ba pasok siya tonight?" tatakang tanong din ni Papa Louie.

Ngumiti ang lovers na nasa harapan namin bago kame sinagot, "Kasabay namin sila, pababa na yun," lumingon muli ako sa pintuan ng bus at nakita ko ngang pababa si bessy at si....Gwapo.

Tumaas ang isang kilay ko ng makitang bumababa sila at medyo inaalalayan ng gwapo ang bessy ko.
"Ang lakas makadyosa bessy, ha?" kinikilig kong bulong sa sarili ko.

"Bessy!" sigaw ko habang kumakaway sa kanya, tumakbo ako papalapit sa kanila ni gwapo,takbong parang bibe yan lagi sinasabi ni bessy, e, nang makaalpit ako sa kanila.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now