Chapter 41 - Morning Girl

4.3K 118 9
                                    

Cassie's POV

May mas sasaya pa ba sa nararamdaman ko ngayon? Naramdaman ko na naman ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal. Paano ko ba ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Yung mga ngiti kong umaabot hanggang mata. Yung para akong lumutang dahil sa sobrang saya. Yung hindi ako makahinga kanina dahil kasama ko sya. Yung hindi ako makatulog ngayon dahil sa kakaisip sa kanya. Yung gusto ko lagi sya ang kasama. Yung wala akong pakialam sa sasabihin ng iba dahil ang mahalaga masaya ako.

Oo, sakto. Ganyan nga ang pakiramdam nang nagmamahal. Ang saya noh? Ang sarap sa pakiramdam.

Nakahiga na ako sa bed ko habang inaalala ang mga nangyari kanina sa amin ni Drixler. And yes! it's official! He's my boyfriend!

Pinikit ko pa ang mata ko para damang-dama ang pag-alala kung pano niya ako hinalikan kanina bago ako pumasok dito sa kwarto namin.

Flashback:

Nakatayo kami sa may gilid ng entrance door ng girls area.

"Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon Cassie, di pa rin ako makapaniwala na girlfriend na kita." he said and he cupping my face.

Ngumiti ako habang hawak niya ang mukha ko.

"I'm officially yours, Drix." wika ko at hinakawan ang mga kamay niya na nasa mukha ko.

Hindi siya umimik, nakatingin lang siya akin. Nagtaka naman ako.

"Why are you silent?" tanong ko

He smiled.

"Nothing...I'm just...happy. I've never felt that before. I'm just exactly where I want to be." hindi ko malaman ang sayang naramdaman ko dahil sa sinabi niya.

"You choose me and now let me make you happy," kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.

Niyakap niya ako, niyakap ko rin siya yung mahigpit na para bang ayaw ko na siya pakawalan. hehe.

"Mahal kita," he whispered with a husky voice

Kumalas ako sa pagkakayakap at tiningnan muli siya.

"Mahal din kita " sagot ko naman na galing talaga sa puso ko.

Nakatingin lang ako sa kanya at ngumiti. Ang gwapo niya. Nagdako ang aking paningin sa kanyang mga mapupulang labi, napansin ko rin ang pagtingin niya sa mga labi ko.

Ang gwapo-gwapo mo talaga lalo na sa malapitan..ang haba ng pilik-mata..ang tangos-tangos ng ilong..ang pula ng lipsss..hayyy makakatikim kaya ako ng halik mula sa mga labing yan, ngayon?... pagbibiro kong bulong ko sa sarili.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin, nakatitig siya sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
Mas lumapit pa sya sa akin at hinaplos ang pisngi ko di pa rin nya inaalis ang pagkakatitig nya sa akin.

Para akong estatwa dahil hindi ako makakilos, naramdaman ko na lang na dumampi ang kanyang mapupulang labi sa aking mga labi. We kissed! Napapikit ako, it was softly and gently kiss.

Iba ang halik na iyon mula sa kanya, para akong hinigop sa kawalan. Matamis, masarap ang halik niya, nakakawala sa katinuan.

Pagkatapos niya ako halikan muli niya ako niyakap ng mahigpit na may ngiti sa mga labi.

Kumalas siya sa pagkakayapos sa akin.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now