Chapter 9 - Adonis

5.5K 126 1
                                    

Cassie POV

Masayang natapos ang discussion ni ate Levy about policy sa dormitory na tintuluyan namin , almost one hour din ang itinakbo ng discussion na yun, Nag inat inat ako habang papalabas ng conference room ng tuluyan na kaming makalabas na lima sa office, nagpaalam na yung tatlo namin na kabatch na mauna na sila tumango tango lang naman kame ni Jayme.

"sige sige kita kits nalang mamaya" matipid kung sagot sa kanila at tuluyan na silang naglakad paalis.

Luminga linga ako sa paligid at napansin ko na wala ng masyadong tao,meron man ako nakikita pero iilan na mga ito di katulad kanina nung paglabas namin,naagaw naman ang pansin ko ng mapatingin ako sa isang area na malapit lang sa kinatatayuan namin ni Jayme,isang grupo ang andun sa mesa at pawang nagkakasiyahan sila habang kumakain pamilyar saken ang mga hitsura nila at di nga ako nagkamali sila nga ang ka room mates ni Jayme na nakilala ko kani kanina lang maging si Chel ay andun din kasama si Jigs. Napatingin naman ako sa isang lalaki na nkatalikod sa akin at nakaharap sa mga kasama niya sa mesa hindi pamilyar saken dahil wala naman siya kanina nung nakilala ko ang mga ka room mate ni Jayme, nakita kung itinuro ako ni Chel ibig sabihin nakita niya kame sa aming kinatatayuan agad naman ako kumuway sa kanya at kinalabit ko ang katabi ko.

"Jayme,si Chel oh kasama mga karoom mate mo"

"Nasaan sila bessy" palinga lingang tanong ng bakla

"Ayun oh anu ka ba, ano nakita mo na?" turo ko sa kanya ng bigla namang may tumawag saken si ate Levy.

"Cassie! nga pala ito yung timecard niyo ni Jayme ingatan niyo ha ok." kinuha ko naman ang iniabot niya na timecard namin at nilingon na uli si Jayme

"Hoy bakla,ano na namang kahitadan ang ginagawa mo? nakita mo lang mga kakwarto mo di ka na naman mapakali jan." pang aasar na sabi ko ng makita ko na kaway ng kaway at halos mapunit na ang bibig sa pag ngiti...hayzzz lantod...

"bessy kasi ang gwapo ng isa ko pa ka room mate siguro siya yung Drixler,grabe baka di ko kayanin pag nagkaharap kame tanaw na tanaw ko ang kgwapuhan bes." maarteng sabi nia

"Ay ewan ko sayo puro ka gwapo ipinaa...." naputol sasabihin ko ng biglang mag ring ang iphone ko agad ko ito kinuha sa pocket ko nakita kong tumatawag si mama sa viber sinagot ko naman agad.

"Hello Ma, musta na po Ma" habang kausap ko si mama sa kabilang linya napatingin naman ako kay Jayme na nag aaya na para pumunta sa kinaroonan ng mga kakwarto niya sinabihan ko naman siya ng "sandali"sa pabulong na pamamaraan,inirapan niya lng ako at nagcrossed arm ng may marinig kame na sumigaw ng pangalan namin pareho.

"Hey! Jayme pre! Cassandra!" nilingon namin ang boses na pinanggalingan at nakita ko kumaway si Marco kinawayan namin siya ni Jayme pero agad ako tumalikod para kausapin uli si mama,kinulbit naman ako muli ni Jayme para ayain na lumapit na kame sa mga tumatawag sa amin makulit ang bakla kaya sinabi ko nalang sa kanya na " go ahead susunod nalang ako" nagthumbs up lng siya at naglakad na papunta sa mga karoom mate niya.

After to end a call from Mom inayos ko sarili ko ng bahagya at inilagay ang phone muli sa pocket ko,naglakad na ako papunta sa kinaroroonan nina Jayme habang papalapit ako napansin kong nakatingin sila sa akin maliban sa lalaking nakatalikod kanina na naka plain white shirt,cargo short,at cap. Enjoy kasi siyang kumakain ng noodles iniiwas ko ang tingin sa kanya kahit di niya ako nililingon, at ngumiti nalang ako sa mga sumalubong ng tingin sa akin.

"Hi Cassie" sabay sabay na bati nina Marco,Pat,Louie,Jigs,Chel at nakisali rin ang baklang Jayme na nakaupo narin sa tabi ni Louie, hindi parin ako nilingon ng lalaking nag eenjoy sa noodles. "who care"sabi ko nalang sa isip ko.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now