Chapter 45 - Closure

3.4K 104 9
                                    


Play niyo yung song ni Chloe, para tagos ang sakit.😉
....................................................................................

Chloe's POV

Pumasok ako sa mini gym ng dormitory namin para hintayin si Drixler, nakiusap kasi ako kanina kay Marco na kung pwede sabihin kay Drix na gusto ko siyang makausap.

At heto ako ngayon naghihintay at kinakabahan sa pwedeng kalabasan ng pag-uusap namin. Nagpalakad-lakad ako sa loob para marelax ang pakiramdam ko.

Napatigil ako ng maalala ko ang sinabi kanina ni Marco sa akin.

Flashback:

"Hayaan mo na si Gwapo, Chloe. Tanggapin mo na lang yung mga naging desisyon niya noon." si Marco

"Hindi ko kayang maiwan na mag-isa, I love him so much, and for the third time I asking again...for another chance." umiling-iling siya sa sinabi ko.

"Kung ikaw ang iniwanan, it is normal to ask for another chance. Pero pa'no kung ayaw na niya? Paano kung nawala na lahat ng nararamdaman niya sa'yo? Kaya mo bang marinig iyon sa kanya? Kaya mo bang harapin siya habang umiiyak ka na sinasabi niyang : Wala na talaga! Kaya mo bang isipin na iyon na ang huli n'yong pagkikita? Kaya mo bang i-absorb ang sakit kaharap siya? Kaya mo bang nakikita ang mukha niyang wala ng pakialam at hindi ka na niya mahal? Kaya mo bang umalis sa kinatatayuan mo dahil kailangan na; times-up na! You need to go separately. Kaya mo ba, Chloe?"

End of Flashback

Napasandal ako sa isang bahagi na dingding nitong gym, napapikit ako.'Dakilang tanga ka rin Chloe, e, sa totoo lang'. singhal ko sa isip ko.'Last na 'to, last na...'. sinasabi naman ng isang bahagi ng utak ko.

Alam ko na kasalanan ko ang nangyari, Pero wala namang masama kung susubukan ko na ayusin muli.

Pagmulat ko napansin ko na papasok na siya si...Drix, nakatingin siya sa akin, nginitian ko siya pero wala man lang ako makita na kahit anong reaction sa mukha niya. Nakaramdam na agad ako ng sakit dahil sa nakita ko, hindi pa man nag-uumpisa ang pag-uusap namin nawawalan na ako ng pag-asa.

Nagpakawala ako ng isang napakalalim na hininga bago pa siya makalapit sa akin. Lalapit sana ako para yakapin siya at batiin pero mabilis siyang lumayo at umiwas.

"Sabihin mo na ang gusto mo sabihin, makikinig ako, may 15minutes ka para magsalita." sambit niya agad. Para naman akong napahiya sa sarili ko at gusto ko nalang mapaiyak.

Dahil manhid na rin naman ako sa sakit na nararamdaman ko, pinilit ko parin na maging kalmado sa harapan niya.

"Bab—"

"Huwag mo akong tawagin ng ganyan, Drixler ang pangalan ko." hindi ko malaman kung paano ko siya uumpisahang kausapin kaya...

"What happened to you? bakit ganyan ka sa akin?" garagal na boses ko na anytime pwede ako mapaiyak.

"Pwede ba Chloe, kung wala ka din namang sasabihin mabuti pang umalis na ako dito. Ayaw ko ng paligoy-ligoy, at isa pa huwag mo akong tanungin ng mga bagay na alam mo naman ang sagot." at tuluyan na akong bumigay, sunod-sunod ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking mga mata ng talikuran niya ako at mag-uumpisang humakbang.

"Drix! I still love you..., at hindi ko kayang mawala ka, hindi ko kayang makita na iba ang kasama mo, na kahawak ng kamay mo, na kayakap mo at minamahal mo." umiiyak kong sabi bago pa siya tuluyang makalayo sa kinatatayuan ko.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now