Chapter 43 - Reminder

4K 107 6
                                    


Jayme's POV

"Jayme, pwede mo ba pakitawagan si Cassie, hindi kasi sumasagot si Gwapo. Kelangan siya dito sa meeting siya ang captain ball ng team natin." sabi ni papa Louie na hawak ang celfone na nasa kabilang tenga.

"Ok sige paps," binuksan ko ang hawak kong celfone at sinimulang tawagan si bessy.

"Pakisabi rin na dito pumunta sa court, baka makapunta ng conference room." ani pa niya

Tumango lang ako, nakailang ring na ang celfone ni bessy pero di pa rin niya sinasagot hanggang sa operator na ang magsalita. Muli ko uling pinindot ang call at ganun pa rin.

"Asan ba ang babaeng ito, at dinededma ang tawag ko."

"Paps, wala e, di ko rin makontak si bessy. Baka naman kumakain sila sa tambayan, gusto mo puntahan ko na lang?"

"Halika, puntahan natin." tumayo na kame sa pagkakaupo para pumunta sa tambayan.

"Uy, saan kayo pupunta dalawa?" tanong ni Marco ng mapansin kaming tumayo.

"Pupuntahan si paps Drix at bessy, di kasi sumasagot sa call, e."

"Ah...sa tambayan, malamang andun sila."sabi pa ni Marco

"Oo." tipid na sagot ni paps Louie at tumalikod na kame sa kanila.

Habang naglalakad kami.

"Second boyfriend pa lang ba ni Cassie si Gwapo?" biglang tanong ni paps.

Napatingin ako sa kanya nakita ko na nakatingin lang siya sa daan at blanko ang reaksiyon sa mga mukha niya, habang nakalagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay niya.

"Oo paps," tumango-tango lang siya.

Naramdaman ko naman na nagpakawala siya ng malalim na hininga.

"Swerte ni Gwapo, siya pinili mahalin ni Cassie." sabi pa niya na blanko parin ang reaction.

Dahil bakla ako umariba na naman ang pagiging Chika Minute Achor ko, kaya straight forward ko siyang tinanong.

"Gusto mo rin ba si bessy, paps?"

Napatingin siya sa akin, medyo kunot-noo pa pero mabilis rin nawala iyon at napalitan ng isang malungkot na mukha.

"If I said yes, maniniwala ka ba?"

Kibit-balikat naman ako, dahil tumpak ang pakiramdam ko na gusto nga niya si bessy..

"Masyado kang pinagpala bessy...hmmm!"


"So confirmed nga na bet mo rin si bessy, swerte ni bessy dalawang gwapo ang nagkakandarapa sa kanya." pagbibiro ko

Iiling-iling lang siya na natatawa sa sinabi ko.

"Don't mind it, kay Gwapo na siya. Tinanggap ko na iyon." seryoso niya sabi.

"Awwwss... I feel sorry for you paps, hindi kita masisi sa bagay na iyan. Hindi rin naman natin kayang turuan ang puso kung sino ang dapat nating mahalin."

Tumingin siya muli sa akin na may pilit na ngiti.

"Tama ka naman." hinawakan ko siya sa balikat.

"Ito lang mai-aadvice ko sayo paps. Mahirap magmahal ng taong walang pakialam sa nararamdaman mo. Parang nagmahal ka lang ng Teddy Bear. Niyayakap mo pero hindi kumikilos. Kinakausap mo pero tahimik lang. At pinagsasabihan mo ng I Love You pero hindi niya naririnig. Dahil ginawa lang siya para mahalin mo. Hindi para mahalin ka.." mahaba pero may kahulugan kong sabi sa kanya.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now