Chapter 29 - Miss You

4.2K 102 4
                                    


Third Person's POV

Mabilis ang paglipas ng mga araw parang kailan lang ng una silang magkakilala ni Cassandra. Ngayon halos araw-araw niyang nakakasama at nakakausap ang dalaga, madali niyang nakapalagayan ng loob ito.

Parang kung iisipin niya matagal na silang magkakilala, matatapos na ang isang buwan at ngayon lang siya nagkaroon ng day-off, kinailangan niya kasing mag overtime kahit araw ng day off niya.

Maging si Cassandra ay ganon din ang nangyari, madami gawa sa company kaya kahit araw ng mga pahinga nila ay pinapapasok sila ng visor.

Ganito ang gusto ng bawat empleyadong Pilipino sa kanilang company ang halos wala ng pahinga sa pagtatrabaho, dahil halos doble ng minimum na sahod nila ang natatanggap tuwing ika-10 araw ng buwan.

At ngayon mas gusto ni Drixler na pumasok kesa magpahinga sa higaan niya, dahil sa hindi niya makakasama ngayong gabi si Cassandra. Nang makaalis ang mga papasok ng panggabi mag-isa siyang pumasok sa kwarto nila.

......................

Drixler's POV

"Ano naman gagawin ko ngayon? Matutulog na naman?" Mga tanong sa isipan ko habang nakahiga sa munti kong kama.

Kinuha ko ang celfone ko, binuksan iyon tumungo sa phonebook ko at hinanap ko agad ang pangalan ni Cassie. Nakatitig lang ako sa pangalan niya "tawagan mo na!" utos ng isip ko.

Ilang minuto pa ako nag-isip kong tatawagan ko ba o hindi, pero mas nangibabaw sa akin ang kagustuhang tawagan siya. Pinindot ko ang number niya at nag-ring naman agad ang celfone niya.

"Hello,"  malambing na boses niyang sagot

"Hi, it's me, hehe" pacool kong sagot para naman di obvious na miss ko na agad siya.

"I know... oh, bakit ka napatawag? May sasabihin ka ba?"

Napaisip naman ako kung ano ang sasabihin ko sa kanya, kaso wala naman akong naisip. "Hmmm... wala naman, gusto lang kita tawagan, wala ako makausap dito, e," honest kong wika sa kanya, honesto ito di niyo ba alam! Hahaha

"Ah, gan'on ba? Baka naman kasi namimiss mo na agad ako, aminin mo! Hahaha" natatawa niyang sabi sa kabilang linya.

Kahit na sa kabilang linya lang ang kausap ko naiimagine ko kung gaano kaganda ang mukha niya pag tumatawa. Nasanay na ako sa mga pagbibiro niya, may pagka-jolly kasi itong angel ko.

Tumawa rin ako sa sinabi niya, "Hahaaha, paano mo nalaman? Di ko naman sinasabi sa'yo,"

"Asus! alam kong joke 'yon, Drixler!"

"Joke lang ba ang dating para sa'yo ng mga sinasabi ko?" Saglit na natahimik siya sa kabilang linya

"H-huh!, E-ewan k-ko s-sayo," nauutal niyang sagot,

"O sige, hindi 'yon joke, miss kita totoo, kaya nga tinawagan agad kita, e," minsan pang tumahimik uli siya. Naramdaman ko na naman ang pagpapakawala niya ng buntong-hininga.

"Alam mo ikaw, inaantok ka lang kaya ka ganyan. Ipapa-alaala ko sayo magkasama lang tayo kanina bago kami umalis, thirty minutes pa lang nakakalipas, masyado ka rin, e, noh?"

" Ayaw mo ba na namimiss ka ng isang Gwapo?" Natatawa ko pa sabi sa kanya

"Hahaha, biglang lumakas ang hangin dito sa loob ng shuttle," muli ko na naman siyang napatawa

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now