Chapter 22 - Came into mind

4.2K 115 2
                                    


Drixler's POV

Pagkahatid ko kay Cassie sa department niya, dumiretso na ako sa locker nadatnan ko na dun si Jigs na nauna bumaba sa akin kanina.

Kinuha ko ang lab gown na nasa loob ng bag ko isinuot ko ito pati na ang sombrero na yari din sa tela, kumuha ako ng isang mask, pares ng gloves at inilagay sa bulsa , tinanggal ko ang suot kong sneaker shoes at nagsuot ng tsinelas na pang cleanroom.

Pumasok na kami ni Jigs sa cleanroom, nadatnan namin na nagkukwentuhan na lang sila, ganito lang kasi dito pag natapos mo ng maaga ang trabaho pwedeng tambay na lang at hintayin ang kabilang shift.

"Wan an!" nagkatinginan kame ni Jigs dahil parang nagpractice kame ng pagbati, sabay na sabay kasi.

Napatawa naman sila sa amin. Lumapit kame kina Louie at Jayme na nasa harap ng computer, para sa endorsement ng naging trabaho nila maghapon.

"Pre, musta dito?" tanong ko agad kay Louie.

"Output kame Gwapo, masyadong madami ang lopan(supervisor) kanina, kaya napahataw kame ng gawa, buti na lang madaling turuan si Jayme."

"Kaya ayaw ko ng morning shift, e, gawa ng mga lopan na 'yan."

Tinalikuran kong nag-uusap si Louie at Jigs sa harap ng computer at naupo sa isang silya, humarap naman ako kay Jayme na nakaupo na rin ngayon at may tinitingnan sa celfone niya.

"Musta ang first day of work, Jayme?" tumalima naman siya ng marinig niya ang boses ko

"Eto, ok naman medyo nangangapa pa, Papa Drix," kakamot kamot sa ulo na sagot ni Jayme.

"Masasanay ka rin, ilang araw pa gama'y mo na lahat dito," sambit ko habang tinitingnan ang schedule na nakalagay sa may dingding.

"Naku, sana nga,"  tipid pa niyang sagot, dahil busy sa celfone.

Hawak ko pa rin ang schedule na nakita ko at tinitingnan kung ilan ang magiging day-off ko sa loob ng isang buwan, nang biglang tumunog ang buzzer, senyales na uwian na ng mga morning shift.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at hinarap ang mga papauwe na sina Louie at Jayme.

"Gwapo, Jigs, uwe na kame, bukas na lang," paalam ni Louie habang pakaway kaway lang si Jayme sa amin.

Tumango lang ako at itinaas ang kamay sa kanila. May iniisip kasi akong sasabihin kay Louie pero nalimutan ko bigla. Napahimas naman ako sa sintido ko para alalahanin.

"Sige pre, Jayme, ingat sila sa inyo!" biro naman ni Jigs sa umalis.

"Sigurado pare!" tawang sabi pa ni Louie.

Ilang segundo lang na nakakalabas sina Louie at Jayme, biglang naalala ko ang sasabihin ko.

"Jigs, pre, sandali lang, ha? may sasabihin lang ako kay Louie boy, labas lang ako saglit," hindi ko na hinintay na makasagot siya at mabilis na tinungo ang locker namin.

Naabutan ko ang dalawa na nagsasapatos pa lang.

"Louie boy!" tawag ko na lumingon naman.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now