Chapter 50 - Routine

3.5K 96 3
                                    


Third Person's POV

Kinabukasan maagang nagising si Cassie, dahil sa ingay na likha ng kaibigan at kasama niya sa kwarto na si Chel. Papasok kasi sa trabaho ito, kinusot ng bahagya ni Cassie ang mga mata para makita ang oras sa maliit niyang alarm clock sa side board ng bed niya.

"five in the morning" bulong niya sa sarili.

Dahan-dahan siyang bumangon dahil nakaramdam siya ng pag-pee. Kahit ayaw niya bumangon ay wala siya nagawa dahil di na niya kaya pigilan, marahan niyang hinawi ang kurtinang nagsisilbing tabing ng kanyang munting higaan.

Tila naramdaman agad ng kaibigan niyang si Chel ang pagbangun niya.

"Chao an, (good morning) aga ah?" bungad niya dito.

"Chao, magbabanyo ako." tumayo na siya para tunguhin ang banyo.

"Ah ok, labas na rin ako Cassie, magbreakfast na kami ni Jigs." paalam naman ng kaibigan niya na malapit sa pintuan ang higaan.

"Sige, sige. Ingat..."

"Ok bye, ikaw rin ingat mamaya." ngumiti pa ito ng nakakaloko sa kanya bago tuluyang umalis.

Umiling-iling lang siya sa tinuran ng kaibigan, handa na rin naman siya sa kung anong pwedeng mangyari sa kanila ng minamahal. Sumang-ayon na siya sa pagpapaalam ng kasintahan kagabi. At halos pareho silang mawala sa sarili dahil sa nag-aalab na halik na pinagsaluhan nila.

She was still inexperienced but she knew the meaning of that gesture. She had never explored the world of the senses because she did not want it.

Muli siyang nahiga sa munting kama niya pagkabalik galing banyo. Hindi niya malaman kung paano muli dalawin ng antok, kung anu-ano ang pumapasok sa isip niga ng mga oras na iyon.

Kinuha ang celfone na nasa headboard niya para magmessage sa kasintahan pero nagdalawang isip siya na baka natutulog pa iyon. Ilang minuto pa ang dumaan at bigla na lang siya bumangon sa higaan, naisipang bumalik sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.

Pagbalik niya muli sa kwarto mabilis na hinubad ang damit pantulog at pinalitan ito ng sports bra na itim, sando na gray at sports short. At nagsuot ng isang running shoes, ipinusod ang kalhati ng buhok habang ang natira ay nakalugay lang.

Kumuha ng isang medium towel sa cabinet niya at ang tumbler na sinalinan niya ng mineral water. At saka tuluyang nilisan ang kwarto na tanging siya lang ang tao sa mga oras na iyon.

*********

Cassie's POV

Five thirty in the morning pa lang naisipan ko ng lumabas ng kwarto na nakasuot ng pang sports di ko malaman kong magjojogging ba ako sa labas or magstay na lang sa gym. Medyo maliwanag na rin naman at halos andito pa ang mga papasok ng pang-umaga six o'clock pa kasi ang sakay nila sa shuttle.

Habang naglalakad ako napapansin ko na madami ang nakatingin sa akin. Iniyuko ko bahagya ang ulo ko para sipatin ang parte ng katawan ko baka may mali sa suot ko, pero wala naman ok naman lahat.

Nang makalabas na ako naisipan ko magpaalam kay ate Levy para magjogging na lang muna sa pinaka-labas ng dorm sa may likudan daw nito magandang mag jogging narinig ko dati sa mga nakasabayan sa paggym.

Tinungo ko ang may guard house kung saan andun si ate Levy, ganun pa rin mas madaming mata lalo ang nakatingin. Hinayaan ko lang sila ng biglang may tumawag sa akin.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now