Chapter 37 - Thought

3.4K 113 9
                                    


Drixler's POV

Maririnig ko na sana ang hinihintay kong sagot sa inamin ko kay Cassie ng biglang may umepal at tumawag sa akin.

"Drixler!" sigaw ng boses babae

Napalingon kami ni Cassie sa tumawag.

"Chloe," mahina kong sambit

"Hmm... I go inside." napabitiw naman ako sa pagkakahawak sa kamay ni Cassie ng kumilos na siya.

"Cassie, wait" hinawakan ko muli siya sa kamay ng akmang tatalikod na siya.

"What?" mahinahon niyang sabi

"Change your clothes and come back here, I'll wait for you." tumango lang siya na may kasamang tipid na ngiti.

Bago pa siya makatalikod sa akin ay nakalapit na si Chloe sa kinatatayuan namin.

"Hi babe, I'm back!" bati niya agad

"Can you stop calling me babe, Chloe? I'm not your boyfriend, remember?." pagpapaalala ko sa kanya baka kasi nakakalimutan niya.

Natahimik naman siya sa sinabi ko.

Tiningnan ko si Cassie, tumingin din siya sa akin at tiningnan rin niya si Chloe.

"Drix, makakabuti siguro kong mag-usap kayo." malumanay niyang wika

"Wala naman kaming dapat pag-usapan, tapos na kame bago pa siya nakaalis or bago pa ako makabalik dito." paliwanag ko sa kanya.

"Ok, pasok na muna ako," alam kong napapaisip siya ngayon.

"I'll wait you here, ok?" tumalikod na siya at tinungo ang kwarto nila.

Pagka-alis ni Cassie naupo ako sa isang gilid malapit sa labahan. Hindi ko pinansin si Chloe, pero dahil medyo makapal ang mukha sinundan pa rin ako.

"Drix please, talk to me,"  di ko parin siya pinansin.

Nang bigla niya ako hinawakan at aktong yayakapin saka naman ako mabilis na nakatayo. Ipiniglas ko ang kamay ko para maalis ang pagkakahawak niya.

"Can you stop that, Chloe?" inis kong sabi sa kanya.

"Mag-usap tayo, please..." pagmamakaawa pa niya

Matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya.

"Hindi ka ba talaga nakakaintindi o sadyang hindi ka marunong mahiya! Wala na tayong dapat pag-usapan pa, mahirap ba intindihin 'yon!"

"Nagbaba-kasakali lang naman ako baka maayos ko pa, di ba sabi ko naman sa'yo aayusin ko pagbalik ko dito." medyo garalgal niyang boses.

"At sinabi ko rin sa'yo na wala ka ng babalikan" pagkakaklaro ko pang muli sa kanya.

Nakita kong umiiyak na siya. Agad naman niyang pinahid ang mga luha sa mata niya.

"Siya ba ang kapalit ko?" sabi pa niya habang nakatingin sa kakalabas lang uli na si Cassie.

Hindi ako umimik bagkus nilapitan ko agad si Cassie at iniwan na siya.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now