Chapter 15 Decision

4.5K 130 3
                                    

Drixler's POV

"Hoy! Bumangun na kayo! it's already 5:30PM, madami na tao sa canteen, bangun! bangon!" sigaw ni Patrick 

"Ang ingay!!" reklamo naman ni Jayme

"Jayme, ikaw na mauna maligo,ladies first di ba?hahaha" pagbibiro naman ni Marco na sinundan ng mga halakhak nila.

"Oo, ito na maliligo na ako." matipid namang sagot ng binabae, at agad kumilos at lumabas ng kwarto.

"Hoy! kayong tatlong gwapo, baka gusto niyo narin mag inat-inat, bago maligo" muling sigaw ni Pat, at alam ko na isa ako dun sa tatlong gwapo na sinasabi niya, ako kaya ang pinakagwapo dito!

"I'm awake bro., kachat ko lang si Chel." mahinang sagot ni Jigs.

Ramdam ko rin na bumangon na si Louie boy, siya ata yung humikab na may sound pa. Ako, nanatili ako nakahiga, mamaya na ako maliligo pag natapos na silang lahat, di naman talaga ako nakatulog dahil hanggang ngayon nasa isip ko parin ang babaeng kachat ko ng ilang oras. "Napapangiti mo ako Angel, ha?" sinasabi ng isip ko.

"Marco, ikaw na gumising kay Gwapo, mukhang tulog pa, e," utos ni Pat

"Gising yan!" sigaw naman ni Louie.

Nanatili akong tahimik at di umimik, sinisira nila ang moment ko,muli kong kinuha ang cellphone ko at may tiningnan sa gallery ko, may isinave kasi akong picture niya.

Nanatili akong tahimik at di umimik, sinisira nila ang moment ko,muli kong kinuha ang cellphone ko at may tiningnan sa gallery ko, may isinave kasi akong picture niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

'"You're like an angel, Cassie..napakaganda mo!" isinisigaw ng isip ko sa mga oras na ito!

Habang nakatitig lang ako sa picture ng isang anghel, bigla naman tumunog ang cellphone ko, at nawala sa screen ang picture na aking tinitigan, nagflash sa screen ang name ni Chloe, tumatawag. Hinayaan ko lang matapos ang tunog ng telepono ko, hanggang sa mawala na ang pangalan ni Chloe sa screen. Ibinaba ko ang cellphone ko at naisipang bumangon na lang at harapin ang mga mokong.

"Sabi sa inyo, gising yan! Ano gwapo? di ka ba nakatulog?" agad na tanong ni Louie, nang makabangun ako at hawiin ang kurtinang nakasarado sa kabuuan ng higaan ko.

"Hindi pre, may na-kchat ako e, nawala ang antok ko." nakangiti kong sagot.

"Aba, bago yan ah, sino naman ka-chat mo, new babe ba?" singit ni Marco,

Natatawa ako sa mga reaction nila habang nakatingin at nag-aabang ng isasagot ko, Naisip ko naman na huwag na muna sabihin kong sino, dahil may mas importante akong tatapusin between me and Chloe.

"Magsi-ligo na tayo,mas ok yun!" pabitin kong sagot sa kanila.

"Taena, naglilihim ka na ngayon sa amin Gwapo!" dismayadong sagot ni Pat.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now