Chapter 40 - Tolerance

4.2K 116 9
                                    


Louie' s POV

Totoo nga kayang may quota ang pag-ibig? Sabi nila may quota daw ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig ng di natuto. O iibig sa wala. O di iibig kailanman. Ako, kasama ba sa quota?

Habang nakikisigaw ako at nakikipagtawanan sa ganap dito sa videoke room, may kumikirot naman sa kabilang dibdib ko.

Nasasaktan nga ba ako dahil sa mga nawitness ko ngayong gabi sa matalik kong kaibigan at sa babaeng pumukaw sa atensyon at sa puso ko.?

Kapwa sila masaya habang nakatingin ako sa kanila, ngayon ko lang din nakita ang kaibigan ko na ganitong kasaya sa isang babae.

Hindi ko maalis sa isip ko ang mga sinabi kanina ni Gwapo ng tangkain kong sabihin ang nararamdaman ko para sa babaeng minamahal rin niya.

"Kung susubukan mo... huwag kang umasa na pagbibigyan kita. Magkaibigan tayo at para na tayong magkapatid, pero pagdating sa babaeng mamahalin ko kaya kong kalimutan iyon."

Ang hirap maging masaya no? Lagi nalang may mga bagay na humahadlang sayo bago ka maging masaya.

Minsan laging merong pagpipilian. At sa mga pagpipiliang ito pwede kang sumaya pero malungkot naman sa iba, at pwede ding malungkot sayo pero sa ikabubuti naman ng iba.

Siguro nga ginawa ang mga hadlang nato para malaman mo kung ano ba talaga ang priority mo. Sa relasyon ng dalawang taong nagmamahalan, kelangan nga ba  may hadlang, may kontra, may karibal, may hindi boto.

Sa pagkakataong ito ayaw kong maging isa sa mga hadlang na iyon, pipiliin ko na maging kaibigan pa rin ni Gwapo at hindi isang karibal niya.

Lumapit ako kay Gwapo.

"Congrat's pre!" nakangiti kong bati sa kanya at tinapik sa balikat.

"Thank you," nakangiti rin siya habang nakatingin at nakangiti rin sa akin ang girlfriend niya.

Hindi ko alam kong paano ko babatiin si Cassie, dahil sa tuwing nakikita ko siya may anong sakit akong nararamdaman na hindi naman dapat. Pero pinilit kong alisin kong ano man yung pakiramdam na iyon.

"Hi, congrats ha," matipid kong bati

"Thank you, para namang ikinasal kami kung mai-congratulate mo." natatawa naman niyang sagot.

"Doon din ang punta niyo," tumingin ako kay Gwapo na nakangiti at iiling-iling lang.

Tumingin ako sa relo kong suot. "10:30 na ng gabi."

"Mga gunggung tama na iyan, ten thirty na ng gabi, kwarto na." suway ko kina Marco, Pat, Jigs at Jayme na tila mga tinamaan na ng beer na ininum at kakukulit na.

"Louie boy! kumanta ka muna bago tayo pumasok!" sigaw ni Marco

"Oo nga papa Louie, ikaw nalang di nakakanta e, halos lahat kami nakakanta na. Ikaw na lang ang hindi." singit ni Jayme habang nakikipagkulitan kay Patrick.

"Ito ang mic, oh? kanta muna bago tayo matapos dito." si Jigs na nakaakbay naman sa gf niya.

Makukulit talaga ang mga kakwarto ko at kahit tumanggi ako di sila papayag na umalis kami ng hindi nagagawa ang gusto nila. Para fair, hinawakan ko ang mic at saka pumindot ng numero na kakantahin.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now