Chapter 78 - Beginning

2.9K 88 5
                                    

Cassie's POV

Tatlong araw pa ang dumaan na naman, may isang tao na naman na aalis, isang kaibigan na naging malapit sa akin, isang mabuting kaibigan. Si Louie na naging isa sa sandalan ko nung mga oras na gusto ko na matumba, siya na pinipilit ibalik ang mga ngiting nawala sa mga labi ko. Isa siyang mabuting kaibigan sakin. Naging espesyal din siya dahil malaki ang mga natulong niya sa akin sa mga panahon na.... basta, kung sa iba tingin nila weirdo to, pero para sakin isa siya sa the best na kaibigan.

Kaya ito nandito kami ng barkada sa may guard house habang hinihintay ang van na sasakyan ni Louie patungong airport.

"Louie boy, ingat kayo dun ni Gwapo, iyakap mo kami sa kanya." Si Marco

"Oo nga, tumawag kayo lagi sa amin." Si Patrick

"Humanap ka na ng forever mo dun, wag mo sayangin ang kgwapuhan mo.hehe" singit ni Chel,napangiti naman si Louie.

"Bro, basta may kelangan lang kayo ni gwapo alam niyo mga contact number namin." Si Jigs

"Paps Louie, ihanap mo din kami ni bessy ng work dun na keri ng kagandahan namin." Ang bakla na makapal ang make-up

"Jayme! Shut up!" Saway ko sa kanya na nanlalaki ang mata ko

"Bakit ba? E, di ba yun naman ang gusto mo," sabi pa niya na pinandidilatan ako ng mata

"Louie, huwag mo nalang pansinin ang sinabi ni Jayme," wika ko ng makaharap ako sa kanya

"Hahaha..ok lang yun Cassie, don't worry tutulungan namin kayo ni gwapo na makarating din duon, para mas masaya di ba?" Natawang tugon naman ni Louie sa amin.

"Oo, susunod kami sa inyo ni gwapo, promise yan!"  Masayang wika pa ni Marco

"Bilisan niyo lang para di kami mainip ni gwapo dun.hehehe." Pagbibiro pa niya

Maya-maya pa may pumarada na sa harapan namin na isang white van.

"Oh! Pano, Louie boy, happy trip nalang. Have a safe flight bro." Si Jigs na kumamay pa at yumakap.

Nagsilapitan din sina Pat, Marco, Chel at Jayme. Isa-isa silang yumakap kay Louie. Ako napayuko ako, nanatili lang ako nakatayo sa tagiliran niya. Ewan pero naluha ako, dahil naalala ko ang panahon nung si Drix ang umalis, wala ako dito habang nagpapaalam siya sa barkada. Mas pinili kong magtago kasi naduwag ako na makita na unti-unti siyang lumalayo sa akin.

"Bye Cassie..." pinunasan ko ang luha ko ng marinig ko magsalita si Louie.

Iniangat ko ang mukha ko at hinarap siya. Ngumiti ako.

"Bye Louie...,mag-ingat ka...thank you sa lahat, I will miss you." Sabi ko pa at napaluha muli ako.

"Mamimiss din kita, mamimiss ko yung mga ngiti mo, kaya wag ka na umiyak kasi pumapangit ka. Hehehe." Nakangiting tugon niya na may pagbibiro pa.

Napatawa naman ako sa sinabi niya habang pinapawi ang mga luhang nag uunahan sa pagpatak.

"Baliw ka talaga," sabi ko pa sa kanya

"Ngiti ka lang at lahat ng bagay ay ngingiting pabalik sa'yo." Sabi pa niya

Niyakap ko siya, ganun din siya sa akin.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now