Chapter 16 - Break-Up

4.3K 125 3
                                    


Drixler's POV

Papalabas na kame ng canteen ng mapansin ko na may mga matang nakatingin at nag-aabang sa akin sa labas ng canteen, ang babaeng dapat kong kausapin. Nakita ko rin kung paano niya tingnan mula ulo hanggang paa ang kasabay kong babae...si Cassie.

"she's better than you, babe!" singhal ng isip ko sabay hingang malalim.

"Pre, si Chloe" bulong sa akin ni Louie.

"Kakausapin ko siya,mauna na kayo sa loob." mahina kung sagot.

Nang malapit na kame sa labas ng canteen, tumingin sa akin ang mga mokong, nakita narin siguro nila na andun si Chloe na masama ang tingin sa amin.

"Comissary tayo, videoke tayo!" biglang aya naman ni Patrick.

"Ou nga, tara! Cassie, sama ka sa amin." pagsang ayon naman ni Marco

"Ay, join kame jan ni bessy! masaya yan, di ba bessy?" masiglang sambit pa ng binabae

"Sige ba! go ako!" nakangiting sagot ni Cassie.

"Mauna na kayo guys, may kukunin lang ako sa room, sunod ako." sambit naman ni Louie

"Tara na guys! baka wala tayo mapwestuhan." pag aaya na ni Jigs.

Tinapik - tapik ako sa balikat ng mga mokong bago ako iwanan sa harap ng pintuan ng canteen kung saan tahimik lang si Chloe na nakatingin ng masama sa akin at sa mga kasama ko lalo na sa babaeng nagpapangiti sa akin. Tumango lang ako sa mga mokong.

Nang makalayo na sila, pansin ko na nilingon ako ni Cassie, nakita rin niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya mabilis niyang binawi ang paglingon niya. Napangiti naman ako sa inasta niya.

"Hey!" napaigtad naman ako ng magsalita si Chloe na nasa tabi ko nga pala.

Nagbago bigla ang mood ko ng hinarap ko siya.

"So, kilala mo na pala yung newcomer sa company niyo? at kasabay niyo pa talaga kumain, ha?" may tonong sabi niya, sabay irap.

Hindi ko siya sinagot at lumakad papunta sa isang lugar na pwede kame mag-usap, yung di matao. Sumunod lang siya sa akin.

"Bakit di mo sinasagot ang tawag ko sayo? I saw Louie while ago, at sabi ko sa kanya na hinihintay kita sa may bulletin board, hindi mo ba ako nakita dun, ha?" sabi pa niya.

Naglakad lang ako at hindi parin siya sinagot, alam ko na naiinis na siya sa inaasal ko, pero mas mabuti na nga siguro na mainis siya para malaman niya na galit ako.

"Ano ba Drix, bakit di mo ako sinasagot? what happened to you? Pinagmukha mo ako tanga sa kakahintay sayo sa lobby kanina, yun pala nasa canteen ka na kumakain at kasabay pa ang babaeng yun! Sino ba siya, ha?" galit na sabi pa niya.

Wala pa rin sa isip ko na sagutin ang mga tanong niya. Tumigil ako sa isang bench na malapit sa baba ng comissary,tumingala ako bahagya at nakita ko andun na mga mokong. Maging ang babaeng nakasunod sa akin kanina ay tumigil rin at sinundan ng tingin ang tinitingnan ko.

"Wala ka bang balak kausapin ako, Gusto mo ba puntahan ang babae mo dun na kasama ng mga kakwarto mo? Tell me Drix, gusto mo na agad siya? kanina mo lang siya nakilala di ba? ganun kabilis, ha, Drix? sumagot ka! are you cheating with me?"sigaw pa niya sa akin.

Umigting ang panga ko sa huling salitang binitawan niya, kinuyom ko ang mga kamay ko at huminga ng malalim bago siya hinarap. "Para sa akin ba talaga ang mga tanong mong yan Chloe?" tanong ko sa kanya, na lalong ikinainis niya.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now