Chapter 42 - Self-Control

4.5K 114 9
                                    


Drixler's POV

Nakatayo ako sa may bulletin board dito sa may boy's room habang naghihintay ng tawag ni Cassie. Tiningnan tingnan ko ang mga announcement na nakadikit doon, nakita ko ang basketball league na uumpisahan na uli dito sa dormitory namin.

Naalala ko na ngayon nga pala ang meeting tungkol doon, at sumagi rin sa isip ko ang sinabi ni Alex last month na si Cassie ang gusto nilang maging muse ng team ng company namin.

"Ayaw ko nga! Pagpipyestahan lang ng mga mata niyo ang girlfriend ko! Muse, muse muse. Kalokohan!"singhal ko sa isip habang nakatingin sa papel na binabasa ko.

Wala talaga akong pakialam sa mga muse na ganyan basta nakakalaro ako masaya na ako. Hindi ako papayag kung si Cassie kukunin nila para maging muse ng team, masyado sila sinusuwerte pag nagkataon.

"Pare, ano nagpapa-kondisyon ka na ba, malapit na uli iyan." napatingin naman ako sa lumapit at nagsalita, si Jon.

"Ako ba ang kausap mo?" kinuha ko ang celfone sa bulsa ko at binuksan iyon.

Ayaw ko makipag-usap sa taong ito, masyadong madaming hangin sa katawan.

"Mapagbiro ka talaga, Gwapo." natatawa pa niyang sabi

"Mukha ba akong nagbibiro? Gago!"

"Papunta na ba kayo sa conference room para sa meeting?" tanong ko ng di pa rin siya tinitingnan, wala ako balak na tingnan siya.

"Oo, hinihintay ko lang sina Alex. Ikaw ba?"

"Susunod na lang ako, sina Louie, Marco, Pat at Jigs papunta na rin naman doon."

"Bakit may hinhintay ka ba dito? Sino si Chloe o si Cassie? hehe"

"Anong nakakatawa sa tanong mo, gunggung!"

"Wala! sige pasok na muna ako sa kwarto medyo mahangin ngayon dito."

"Sige pre, kita nalang mamaya." pakli pa niya

"Kahit hindi kita makita, wala akong paki!"

Tumango lang ako, aktong hahakbang na ako ng biglang may tumawag naman sa akin.

"Love!" napalingon naman ako agad ng marinig ko ang tawag niya, pati ang kaharap ko na si Jon ay napatingin.

"Love? Kayo na ba gwapo?" mabilis na tanong ni Jon.

"Oo, may problema ka?"

Hindi ko siya sinagot at mabilis akong lumapit kay Cassie. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya nang makalapit ako.

"Boo, ang bango mo." inamoy amoy ko pa ang buhok niya

Ngumiti lang siya at siniko ako ng mahina. Inalakbayan ko siya habang naglalakad kami.

"Hi Cassandra," bati ni Jon ng mapadaan na kami sa tapat niya.

"Anak ng... nakabati ka pa talaga! makapal din talaga pagmumukha mo, e!"

Yumuko ako kay Cassie, tiningala  niya ako tanda ng pagpapaalam kung pwede ba niya sagutin ang bati ni kapal muks. Nginitian ko siya at tumango.

"Lakas ng connection natin boo!"

"Hello." matipid niyang sagot kay kapal muks.

Nagtuloy-tuloy na kami sa paglalakad at iniwang nakanganga si kapal muks.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ