Chapter 82- Complicated

3.3K 85 7
                                    

Cassie's POV

"Thank you for always reminding me that you love me. But thank you even more for letting me feel that everyday, kahit na magkalayo tayo, kahit na ganito yung sitwasyon natin."Tugon ko sa sinabi niya.

"Araw araw kitang liligawan at ipaparamdam ko sa'yo na hindi ako magsasawa sa pag-intindi at pagpapakita ng pagmamahal ko kahit sa mga panahong parang napakaimposible mong pakisamahan." nakangiti niyang wika sa akin.

Sa distansya na naghihiwalay saming dalawa at sa mga pagpapahalaga niya sakin sa pang araw-araw dun ko lang masasabi na walang dapat ikahina ng loob kahit malayo siya. Gusto ko man siyang yakapin araw-araw hindi pwede dahil malayo siya, nakikita ko ang mga pangarap naming dalawa na gusto naming magsama muli.

"Kaya nga hindi ako nagdududa sa pagmamahal mo eh, lahat kasi ng sinasabi mo may katumbas na gawa. Sana hindi ka magbago. Sana hindi ka magsawang magsabi na mahal mo ko. Sana hindi ka mapagod na patunayan sakin yan ng paulit ulit. At sana...hintayin mo ako..."

"Kulang na kulang ang salitang "MAHAL NA MAHAL KITA", kaya araw araw ko nalang aalagaan ka, at mamahalin ka sa malayo. Hindi lang para sa akin, kundi para na rin sa'yo. Para pagdating ng panahon at nandito ka na mas matagal pa tayong magkasama sa mundong ito, at mas maraming oras pa na mapapasaya kita. Pag sinabing "matagal", ibig sabihin nun sa'kin ay habangbuhay ha?"

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko habang kausap ko siya  ay hindi ko maiwasan na hindi sundan ng salitang hintayin niya ako. Kahit na maraming pwede mangyari sa susunod na araw, sa susunod na taon pero isa lang ang mapapangako ko na magiging sigurado ako na mananatiling naka sarado ang puso ko hanggang sa dumating yung panahon na mag kita muli kami at sisiguraduhin ko na handa na talaga akong mahalin siya ng buong-buo.

Natahimik kami bigla, pawang ang mga mata lang namin ang tila nag-uusap ng mga sandaling iyon. Mga tinginan na parang magkatabi lang kaming dalawa, mga matang matagal tagal ko naring hindi natitigan. Sa pagkakatitig ko hindi ko na namalayan na may luhang kumawala sa mga mata ko.

"I miss you... I missed you so much and it hurts..." garalgal na boses kong sabi habang sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko.

"Oh, bakit ka umiiyak? huwag kang umiyak Cassie..., alam mo namang nasasaktan ako kapag nakikita kang umiiyak e," tugon niya at inilapit sa harap ng camera ang kanyang mga daliri na para bang pinapawi ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Napayuko ako para punasan ang mga luha, iniangat ko muli ang mukha ko at muli tumingin sa camera.

"Hindi lang kasi ako makapaniwala, na sa kabila ng naging desisyon ko na maging magkaibigan muna tayo, sa kabila ng mga pagsusungit ko sayo at hindi pagpansin sa mga calls and messages mo, sa pagbibigay ko ng schedule para lang makausap mo ako, Ay ikaw pa rin yung tao na kung ano yung ugaling ipinakita dati, yun parin hanggang ngayon at hindi nagbabago. Salamat ha,"

Nakatingin siya at nakangiti lang sa akin.

"E, bakit kasi naman, akala mo susuko agad ako pag sinungitan mo ako." tugon pa niya, at napangiti rin ako.

"Kaya nga salamat sa'yo..." nakangiti kong tugon

"Salamat lang? walang kiss, walang i love you?" may pagbibirong tono niya na nakangisi pa.

"Hay naku! ito na naman po kami..."

"Namimiss kita...namimiss ko narin ang salitang i love you na galing sa'yo, matagal-tagal ko naring hindi naririnig iyon," medyo seryoso niya sabi

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now