Chapter 19 - New Feelings

4.2K 122 2
                                    


Cassie's POV

"Mauna na ako, Cassie, naghihintay kasi si Jigs sa labas," pamamaalam ni Chel sa akin, habang nagmamadali akong magbihis.

"Ok Chel, go, sunod ako."mabilis kong sagot sa kanya.

"Makakain ka pa ba, sa canteen? or ikuha na lang kita ng pentang, sa company ka na eat, samahan kita mamaya, doon?"

"Okey, thank you so much, Chel,"

"O sige, maiwan na muna kita, sunod ka agad wait kita sa shuttle."

"Sure," tipid kong sagot.

Naiwan akong nag-aayos ng sarili sa kwarto ng makalabas na si Chel, kame kasi ang magkashift halos morning shift yung apat naming kasama dito sa kwarto.

"What the...gosh, Cassie! maiiwanan ka ng shuttle pag di ka nagmadali, ang bagal mo talaga!" sermon ko sa sarili

Nagsuot ako ng black ripped pants at sleeveless blouse na medyo fit, at sneakers na white, "di naman siguro bawal magsuot ng ganito sa company, may uniform naman." pagpapaliwanag ko pa sa sarili ko.

Nang makapagbihis na ako inayos ko naman ang mukha ko naglagay ng powder at liptint lang then comb my hair, then ang bag ko, naglagay ako ng tissue, powder, liptint, comb, candies, at siyempre dahil night shift ako, nagdala ako ng 3 sachets ng Nescafe Creamy White, panlaban sa antok, kumuha rin ako ng isang white shirt pamalit.

"Ok Cassie, you need to go!" utos ko sa sarili ko.

Tumingin ako sa watch ko at 2 mins na lang before 6pm, mabilis kong ikinilos ang sarili ko palabas ng kwarto, pinatay ko ang ilaw, inilock ang pinto, at kinuha ang timecard ko sa gilid ng pintuan namin, saka mabilis na tumakbo palabas ng dorm.


"Run! Run! Cassandra! Hurry Up! first night work mo ito! sigaw ng isang isipan ko

Napatigil ako sa pagtakbo ng biglang tumunog ang celfone ko, kinuha ko ito mula sa bulsa ko, pangalan ni Chel ang nagflash sa screen.

"Hello..." nahihingal kong sagot.

"Cassie, where are you?" mabilis niyang tanong.

"Coming Chel, few more steps," hinihingal ko paring sagot sa kanya.

"Ok, bilisan mo, ikaw na lang hinihintay dito, nagreserve na ako upuan para sa'yo."

"Thank you, Chel, ito na ako, bye na." di ko na inintay na makasagot pa ang kausap ko, end call na agad ang ginawa ko, nang makalapit ako sa may guard house kung saan nakatigil ang shuttle na sasakyan namin, mabilis kong iniabot kay ate Levy ang timecard ko.

"Sige na, Cassie, sumakay ka na, ikaw na lang ang inaantay para makaalis na, kung nalate ka pa dating baka naiwan ka na." seryosong mukha ni ate Levy habang sinasabihan ako.

"Ahmm.. ate I'm sorry, di na mauulit, swear!" itinaas ko pa ang isa ko kamay na parang nanunumpa sa pagkakasabi sa kanya.

"Ok, akyat na!" utos pa niya.

"Thank you ate," nakangiting pagpapasalamat sa kanya.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now