Chapter 53 - Desire

4K 98 3
                                    


Paalala: Sariling Patnubay at Gabay sa chapter na ito.😂kalandian!😁🙈

*******

Third Person's POV

Namilog ang mga mata ni Cassandra sa sinabi ni Drixler, di niya akalain na tototohanin nito ang mga sinasabi sa kanya buong akala niya ay puro biro lamang ito. Pero sa isang iglap nasa harapan na sila ng isang malaki at magandang hotel.

Hindi niya maintindihan ko ano ang dapat maramdaman, hindi naman ito ang unang beses na papasok siya sa isang hotel kadalasan pag nag oout of town sila ni Jayme ay sa hotel sila nagsstay. Pero ngayon iba ang dalang pakiramdam sa kanya ng hotel lalo na at ang boyfriend niya ang kasama.

"Shall we go now inside boo?" anas ni Drixler sa kanya.

Tumango lamang siya.

"Ok ka lang ba, boo?"Pumulupot ang isang braso ni Drix sa malambot na beywang.

"O-oo n-naman." nauutal niyang tugon.

Pagkapasok nila sa loob agad silang binati ng isang receptionist na tsinita sa lenggwahe nila.

"Ni hao, Huanying lai dao fute jiudian."(Hello, Welcome to Forte Hotel) saad ng babaeng taiwanese.

"Women hen hao, xiexie." (We're fine, thank you) wika naman ni Drixler.

Nagmasid-masid lang si Cassandra habang kinakausap ni Drixler ang babae sa information desk.

Namamangha siya sa ganda at linis ng lobby ng hotel na pinasukan. Nang matapos na ang usapan ni Drixler at ng receptionist.

"Boo, let's go." aya ni Drixler sa kanya.

Nakaramdam naman agad siya ng kaba sa dibdib nagtatalo ang isipan niya, kung sasama o lalabas na lang at sasakay sa taxi pabalik ng dormitoryo. Pero sa oras na iyon nanaig ang pagsama niya sa kanyang kasintahan.

"Bahala na si Darna!" bulaslas niya sa sarili

Nakakawit pa rin ang isang braso ni Dixler sa beywang ni Cassandra hanggang sa maihatid sila ng elevator sa tamang floor na kinaroroonan ng hotel room nila.

"Here we are,"he announced as he opened the door of the hotel suite.

Kumalas ang babae mula sa pagkakayapos niya. Lumapit sa bintana. Hinawi ng isang kamay ang kurtina at sumilip sandali sa ibaba.

Inilagay naman ni Drixler ang kanilang pinamili sa loob ng cabinet saka naupo ito sa may bahaging ulunan ng kama. Hinubad niya ang sneaker shoes na suot pati na rin ang medyas, tila napansin naman niya ang girlfriend na nagmamasid pa rin sa kabuuan ng kwarto kaya tumayo siya.

Niyakap niya ito sa likodan kaya napapitlag ang dalaga sa ginawa niya.

"Boo," mamaos-maos na boses niyang sambit.

May kung anong init naman ang dumaloy sa katawan ni Cassandra at di niya napigilan ang mapapikit.

Humarap siya sa kasintahan. Nakangiti  pero halata ang tensyon na nadarama. Naglakad siya palapit sa kama habang yakap-yakap siya ni Drixler. Naupo sila pareho nakalingkis parin ang mga kamay ng kasintahan sa beywang niya.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα