Chapter 70 - Assurance

3.3K 86 12
                                    


Cassie's POV

Lumipas ang limang araw mula ng mapagdesisyunan namin ni Drixler na maghiwalay na muna para sa pag-alis niya papuntang Canada.

Hindi naging madali para sa amin ang naging sitwasyon dito sa dormitoryo at maging sa company na pinagtatrabahuhan namin. May time na kelangan ko siyang iwasan sa tuwing nakakasalubong ko siya, may oras din na hindi ko kayang gawin na umiwas.

Katulad ngayong gabi magkakasama kami ngayon dito sa videoke room, nagkakasiyahan sila dahil gumawa kasi si Louie ng isang despedida party daw para kay Drixler na paalis na bukas. Oo, andito ako! kasi naman si Jayme at Chel kinaladkad ako papunta dito.

Kaya ito ako nakaupo sa isang sulok may hawak na bote ng san mig light, nagpapaka-normal sa nararamdaman na parang wala lang lahat. Ako lang ang nakaupo mga nakatayo silang lahat at nagkukuwentuhan sa gitna habang kumakanta si Jigs.

Nakatingin ako, nakatingin sa lalaking iiwan na ako, sa lalaking minamahal ko, sa lalaking naging mundo ko, sa lalaking nagparanas sa akin kung paano mahalin ng tunay ang isang katulad ko.

"Dati rati, Naniniwala ako sa Prince Charming. Yung Prince Charming na forever na kayo, Yung Happily Ever After. Yung kahit na hindi maganda yung simula ng storya niyo eh sa huli sobrang ganda naman. Oo dati pinaniniwalaan ko yan, Yung kahit na may mga kontrabida sa buhay niyo kung kayo talaga.Kayo. Pero ngayon napatunayan kong walang salitang "FOREVER" Kung meron man sila yung mga pinagpala talaga. Sila yung kahit anung mangyari sila parin. Pero sa panahon ngayon, Salitang forever? Mahirap ng hanapin yun. Muli, pinakinggan ko yung sarili ko habang sinasabi ko yung mga salitang masaya ako. Nagsusumigaw pala ang puso ko para sabihin sa lahat ng tao na hindi ako masaya." sinasabi ng puso ko habang pinagmamasdan siya.

Nararamdaman ko na naman na parang may tubig na gusto kumawala sa mga mata ko mabilis akong yumuko para pawiin iyon. Pag-angat muli ng mukha ko.

"Hello...kumusta ka?" sabi ng lalaking kanina lang ay tinatanaw ko sa di kalayuan ng silid na ito.

Tiningnan ko siya, ngumiting pilit. Naupo siya sa tabi ko, inilapag ang hawak na bote ng beer sa mesa.

"How are you?" muli niyang tanong.

Napahinga ako ng malalim.

"Ito pinipilit maging ok. Ikaw, musta ka? Bukas na alis mo." pakaswal kong tugon habang nakatitig sa bote kong hawak.

"Gaya mo pinipilit ring maging ok." napatingin ako sa kanya saka uminom ng beer.

Pagkainom ko siya naman ang uminom. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Masama ba ako?" tanong ko at muling uminom

"Bakit?" nakakunot-noo niyang tugon

"Sinayang ko lahat. Sa isang iglap, nawala lahat ng meron ako. At isa ka sa mga bagay na yun na sobra kong pinapahalagahan." garalgal na tono kong wika.

Kinuha niya ang isa kong kamay at pinisil pisil iyon.

"Cassie, stop blaming yourself. Wag mong hanapin ang pagkukulang sa sarili mo dahil hindi mo yun makikita, dahil wala kang pagkukulang. Walang may kagustuhan ng nangyayari, kahit ako. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit mo nagawa ito." hinawakan pa niya ang pisngi ko at pinawi ang luhang pumapatak.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang