Chapter 55 - Confused

3.7K 88 3
                                    

Drixler's POV

Alas-nuwebe na ng gabi ng makauwe kami ni Cassie sa dorm. Inihatid ko rin agad siya sa labas ng area nila para makapagpahinga na dahil may trabaho na uli kami bukas.

Dumiretso na rin ako sa kwarto para matulog na rin. Pagbukas ko palang ng pintuan sumalubong na agad sa akin ang tingin ng tatlong mokong na sina Jigs, Pat at Marco.

"Mukhang napagod ka sa date gwapo, ah?" panunudyo agad ni Patrick.

Ngumisi ako at hindi nagsalita.

"Nakailang round ba?hehehe." sabat ni Marco

"Ano'ng nakailan, di ba dapat na tanong natin kung naituloy ba niya hanggang langit.hahahahhaa" pilosopong wika ni Jigs.

Nilapitan ko silang tatlo at mabilis na pinagalaw ang kamay sa mga ulo nila.

"Aray!"

"Masakit gwapo!"

"Ouch!"

Sabay sabay namang hinawakan at hinaplos ng tatlong gunggung ang mga ulo nila dahil sa ginawa ko.

"Kalokohan kasi kayo!" nangingiti kong sabi.

Umupo ako sa bed ko hinubad ang sapatos at medyas saka inilagay sa ilalim ng bed ko. Napansin ko naman na nakatingin sa akin ang tatlo na parang may hinihintay.

"Ano'ng hitsura niyo 'yan? Wala akong sasabihin, anak ng... ka-lalaking tao niyo mga tsismoso kayo." sabi ko habang hinuhubad naman ang pantalon kong suot.

Nagtinginan pa sila.

"Wala ka talaga ikukuwento sa amin, gwapo?" paninigurado ni Marco

"WALA!" pasigaw kong sabi sa kanila.

"Sigurado ka?" pakli pa ni Jigs

"Kayo ba meron? Umpisahan niyo na, makikinig ako bago ako matulog." ako naman ang nagtanong sa kanila.

"Next week na ang final may makakalaban na tayo." naupo na uli ako sa bed.

"Ano'ng team? I.T ba?"

"Oo." si Jigs

"Ok." tipid kong sagot sabay nahiga ako.

"Langya gwapo, hinintay ka namin tapos tutulogan mo lang kami!" reklamo ni Patrick

Natatawa akong tiningnan sila habang nakahiga na ako, bukas pa kasi ang kurtina ng bed ko.

"Gago! sinabi ko ba na hintayin niyo ako?"

"Hindi...pero umaasa kami na may sasabihin ka man lang." iiling-iling ako na nakangiti sa kanila.

Biglang may sumagi sa isip ko, ang pinag-usapan namin ni Louie boy kaninang umaga. Nawala bigla ang ngiti sa labi ko, sumulyap ako sa kanila.

"Meron akong sasabihin..." sumeryoso bigla ang tono ko.

Sabay sabay na humarap ang tatlo sa akin habang nasa higaan ako.

"Ano 'yon?" si Marco

Napahinga ako malalim, tumingin sa taas habang nakahiga at nakaunan ang isang braso ko sa ulo.

"May job order na kami ni Louie boy, pipirma na kami ng kontrata next week." malungkot na boses kong sabi

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now