Chapter 62 - Confession

3.5K 98 10
                                    


Drixler's POV

8 Months later...

"Cheers gwapo!" itinaas ni Louie ang hawak hawak niyang lata ng beer.

Tanghali palang pero andito na kami sa commisary nagkakatuwaan change shift kasi at 9th monthsary rin namin ni Cassie. Magkatabi kami ni Louie boy habang yung iba naming kasamahan ay nasa harap ng videoke at nagkukulitan maging si Cassie ay nakikikulit rin.

"Di mo parin nasasabi sa kanya?" tanong niya habang nakatingin kami pareho sa kanila.

Huminga ako ng malalim.

"Hindi pa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin."

"Gusto mo ako magsabi sa kanya?" napatingin ako bigla sa kausap ko.

Inilapat ko sa bibig ko ang hawak ko lata ng beer at lumagok.

"Huwag, hayaan mong ako ang magsabi sa kanya." seryoso kong sabi, tumango siya.

"Sige...,pero pag kelangan mo tulong ko sabihin mo lang." sabay inom ng beer na hawak

"Salamat." tipid kong sagot.

Ibinaling ko ang paningin ko kay Cassie na may hawak ng mikropono na nakatingin sa akin. Ngumiti muna siya bago nagsalita.

"Love, this song is for you. Mahal na mahal kita." nagflying kiss pa siya bago umpisahan ang kanta.

"Wooohhhh!" sigaw ng kasamahan namin sa loob at nagpalakpakan pa

Kung may taong dapat na mahalin
Ay walang iba kung 'di ikaw
Walang ibang makakapigil pa sa akin

Napangiti niya ako pero may kung anong kurot sa dibdib ko akong naramdaman.

*Binuhay mong muli ang takbo
At tibok ng puso sa'yong pagmamahal
Ang buhay ko'y muling nag-iba
Napuno ng saya (Napuno ng saya)
Sa Lahat 'di maari, 'di maaring iwan
Wala ng makakapigil kahit na bagyo man
Paano kung ikaw na mismo kusang lilisan?
Paano ba?

Nanatili akong nakatingin sa kanya habang kumakanta, sumusulyap siya sa akin na may mustra pa kasama. Kita ko ang ningning ng mga mata niya.

*KORO*
Kung mawalay ka sa buhay ko
Kung pag-ibig mo'y maglaho
Paano na kaya ang mundo?
Kung sa oras 'di ka makita
Kung ika'y napakalayo na
May buhay pa kaya 'tong puso?

Habang pinakikinggan ko ang bawat lyrics ng kanta di ko maiwasan na makaramdam ng sakit. Para bang pinahihiwatig ng kanta na magkakalayo nga kami.

'Yan lang ang maaari natin, sadyang matatanggap
Habang ako'y may buhay

Lumapit siya sa akin. May magandang ngiti sa labi habang papalapit. Inabot ko mga kamay niya, at tumayo.

Mahal na Mahal kita
Higit pa sa iniisip mo

Niyakap niya ako habang sinasambit ang huling lyrics.

"It feels good to know that I'm yours and you're mine. Happy 9th month love. I'm very lucky to have you, Love, ang gusto ko lang sabihin sayo. Wag mo ko bibitawan ah. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa buhay ko." mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon