Chapter 68 - Let Go

3.2K 87 20
                                    


Drixler's POV

"Drix, tapos na tayo..." ulit niya habang patuloy ang pagluha niya.

Napamaang ako sa sinabi niya, iba agad ang naging dating sa akin ng sinabi niya.

"Boo, sandali! ano ka ba? huwag mo ngang sabihin iyan!"napatayo ako at parang balisa ang pakiramdam dahil sa sinasabi niya.

"Ano'ng gusto mong sabihin ko!" medyo malakas na tono niya.

"Kaya natin ito! bakit tayo maghihiwalay!" hindi ko alam pero taena garalgal na ang boses ko. Ito pa lang ang unang beses na mapapaiyak ako.

"Kaya natin? sige sabihin mo sa akin kung papaano! Paano natin kakayanin ito!"

"Yung walang sukuan!" naguguluhan kong reaksiyon. "Cassie...,magkaintindihan tayong dalawa. Meron akong inaayos ngayon pero di natin kailangang maghiwalay!" pasigaw kong sabi sa kanya.

Umiling-iling siya.

"Drix, ikaw naman yung aalis e, hindi naman ako. Isang linggo nalang! maiiwan mo na ako! Alam mo na may trauma ako sa mga ganitong pangyayari. At ayaw ko ng maulit yung dati!"

Lumapit ako sa kanya, naupo sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Cassie..., please...huwag mong gawin ito, huwag mo akong talikuran." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Drix, sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin, sabihin mo sa akin ang gagawin ko nang di ko rin kelangang pumili, dahil ayaw ko rin na pumili!"naguguluhan niyang wika

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at medyo inalog iyon, hinawakan ang pisngi niya pinawi ang mga luha niya. Tiningnan namin ang isat-isa.

"Cassie makinig ka, itong nararamdaman natin hindi ito isang bagay na basta basta lang tinatapon, ok? Hindi mo ito basta-basta tinatalikuran lang, kasi ito hindi lahat ng tao meron nito. Mapalad tayo dahil pinagtagpo tayo, makinig ka ha? hindi ito mali." mahinahon kong pagpapaliwanag sa kanya

Kinuha niya ang kamay ko sa pisngi niya at hinawakan iyon.

"Hindi kita tinatalikuran, pinapalaya lang kita. Gusto kong gawin mo ang mga bagay na gusto mong gawin ng walang pag-aalinlangan ng walang ibang iniisip." marahan niyang sabi

"Paano ko gagawin ang mga bagay na iyon kong alam ko naman na wala ka na sa akin.Yung mga pagkakamali ko pa nga lang nahihirapan na akong tanggapin paano pa ang tuluyang mawala ka na sa akin." ramdam ko ang mga luhang namumuo sa mata ko.

"Alam kong nahihirapan ka na sa pag-iisip, alam kong ayaw mong pinapipili ka. But this is me, this is what I can give you. Eto lang ang kaya ko. Kung nasasaktan kita, mas nasasaktan ako kasi nasasaktan kita, you don't deserve the pain. I just want you to be happy. Alam mo yun? Gusto ko yung hindi magulo yung buhay mo, yung hindi malabo, yung alam mo kung nasaan ka, kung anong role mo sa buhay hindi lang para sa akin, kundi para sa pamilya mo na umaasa rin sa'yo." lumuluha niyang sabi habang hawak ang mukha ko.

Mas nanghihina ako sa tuwing nakikita ko ang mga luha niya na pumapatak, nasasaktan ako sa nangyayari sa amin!

"Di ba sabi mo manatili ako at wag umalis sa tabi mo, bakit ngayon parang pinagtatabuyan mo ako."

"Kasi ang selfish ko, kasi ang gusto ko, the sweetest part of you belongs to me. Pero hindi pwede kasi kapag ginawa ko yun, para kitang kinulong sa isang mundong walang patutunguhan, kaya kahit alam kong magiging mahirap, pinipilit kong tibayan ang loob ko." ewan ko pero ramdam ko na bumagsak na ang luha na ayaw ko ilabas kanina.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now