Chapter 72-Goodbye

3.1K 88 15
                                    


Cassie's POV

Maaga akong umalis ng dormitory para pumunta dito sa simbahan, ngayon na kasi ang alis ni Drix. At aaminin ko hindi ko kayang makita siya na unti-unting lumalayo sa akin, kaya minabuti ko na umalis ng maaga para hindi ko ma witness ang pag-alis niya mamaya, dahil alam kong di ko kakayanin na makita.

Ini-off ko ang celfone ko para di niya ako matawagan  o ng kahit sino, dahil gusto kong mapag-isa lang muna. Habang nakaupo ako dito sa loob ng simbahan hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdman ko.

"Ang pag-ibig kung minsan ay mahirap maintindihan. Gagamitin ang puso mo, paiibigin ka. Kapag nahulog ka na ng sobra-sobra, saka ka naman pahihirapan. Bakit ganun, bakit nagagawa nitong paglaruan ang puso mo? Nagmamahal ka naman ng totoo. Bakit kung kailan naging makulay na ang mundo mo at naging matamis na ang dating matabang na buhay mo, saka naman darating ang panahon na masasaktan ka ng todo? Ganito ba talaga ang tadhana, sadyang mapagbiro?" sinasabi ng isip ko habang nakatitig sa altar ng simbahan na pinuntahan ko.

"Tama nga na sa loob ng isang minuto lang ay posibleng magkakagusto ka na sa isang tao. At sa loob ng isang oras, posibleng mahalin mo na siya. Pero kapag dumating ang araw na magkakahiwalay kayo, hindi magkakasya ang habang-buhay mo para makalimutan ang taong ito. Maaaring ang pag-ibig na namamagitan sa inyo noon ay mawawala at makakalimutan mo. Pero siya na minsan ay naging bahagi ng buhay mo, mahirap kalimutan kahit pa anong gawin mo." pinunasan ko ng kamay ko ang mga luhang nagsimula na namang tumulo sa mga mata ko.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga ng biglang may nagsalita.

"Kung mayroong pagmamahalan, mayroong ding sakit. Kung mayroong tamis, mayroon ding pait. Halos lahat ng bagay dito sa mundo ay nasisira, lalo na kung hindi mo ito iniingatan. At kabilang na dyan ang puso mo. Ang puso mo kapag nasasaktan, madalas sabihin ng mga kaibigan mo "mag-move-on ka na."" napatingin ako sa kanya na papalapit sa aking inuupuan.

"Ate Mitch..." sambit ko. "Ano'ng ginagawa mo dito?" mabilis kong tanong.

Umupo siya sa tabi ko, nakangiti siya.

"Nagsisimba rin, katulad mo." tugon niya. "Kumusta ka? Ok ka lang ba? Kaya pa ba?" sunod-sunod niyang tanong.

Walang lumabas na kahit isang salita sa bibig ko tanging pagtango lang ang naisagot ko na parang napipilitan pa ako.

Hinawakan niya ako sa balikat.

"Hindi ka ok, alam ko. Masakit di ba?" para akong batang tumango tango lang sa harapan niya habang umiiyak.

"S-sobrang s-sakit ate..., ang sakit, sakit." halos pabulong kong sabi sa kanya.

"Minsan kung sino pa yung rason mo kung bakit ka masaya. Sya din ang rason kung bakit masasaktan ka ng sobra." tugon niya habang hinahagod ang likod ko.

"Hindi ko alam ate kung paano ako muli mag-uumpisa pagkatapos ng araw na ito." paos na tono kong wika.

"Umpisahan mo dito, dito sa kinauupuan natin. Wag mong kakalimutan na ang Diyos ay mas malapit sa mga taong sugatan ang puso. Huwag mong panghinayangan ang bagay na nabitawan mo. Dahil kung ito ang nakatakdang mangyari, kahit pa gaano kahigpit ang pagkakahawak mo, mabibitawan mo pa rin talaga ito. Huwag kang magmadali. Wala namang mabuti para sa'yo na lalayo. Naririyan lang yan. Naghihintay ng tamang oras, lugar at pagkakataon para mapa sa'yo. Ganyan talaga, parte ng pag-ibig ang pagpapalaya." makahulugan niyang payo.

"I was cowardly woman!" singhal ko.

"Akala mo lang yun, Ang akala ng iba, makikita ang katatagan mo kapag nanatili at lumalaban ka. Pero minsan, ang katatagan mo ay nakikita kapag kaya mong magpalaya." pinawi niya ang mga luha na pumapatak sa pisngi ko. "Kung hindi mo kayang iligtas ang relationship nyo. Iligtas mo na lang ang friendship ninyo. Huwag kang maging malungkot  na kayo ay tapos na. Magpasalamat ka na lang na minsan naging iyo ang puso niya. Kahit gaano ka pa katalino, pagdating sa pag-ibig, isa ka pa ring bobo. Kahit na alam mo nang mali, kahit na alam mo nang wala na, sige ka pa rin nang sige, asa ka pa rin nang asa. Ang nangyayari, mas lalo ka lang nahihirapan. Mas lalo ka lang nasasaktan. Dahil pinapaniwala mo ang sarili mo na magiging malinaw pa rin ang lahat kahit na napakalabo na." pagpapatuloy pa niya.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now