Chapter 73 - Alphabet

3.1K 88 4
                                    


Jayme's POV

'Jusko! bessy, asan ka ba? bakit di mo sinasagot ang tawag ko!' bulong ko sa self ko habang paulit-ulit na dinadial ang number ni bessy.

"Nakontak mo na ba muse?" si paps Marco

Napatingin ako.

"Hindi pa nga, e." malungkot na tono ko at napakamot pa sa ulo.

"Hayaan niyo muna siya, uuwe din un, baka kelangan lang niya talagang mapag-isa ngayon." pakli naman ni paps Pat.

"Dito nalang muna tayo tumambay, abangan natin siya." suhestiyon naman ni paps Jigs.

Naupo muna kami sa mga bench n nandoon, para abangan si bessy. Nakatingin lang ako sa labas ng gate nagbabakasakali na pumapasok na siya doon.

"Mahirap ang pinagdadaanan ni Cassie ngayon, kaya dapat unawain at intindihin natin siya." sabat ni paps Louie na parang balisa din dahil sa hindi pa pagdating ni bessy.

Tumango lang kaming apat sa sinabi niya. Ilang minuto pa ang lumipas ng biglang sumulpot sa harap ng gate ang inaantay namin.

Halos mapaluha ako ng makita ko ang bestfriend ko sa hitsura niya. Hindi na ako nakapagpigil at mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya, pati ang iba ko kasama sa paghihintay sa kanya ay nagsilapit din. Niyakap ko agad siya. Alam kong mahirap maiwan ng taong mahal na mahal mo, at hindi ito ang unang beses na maiwan siya ng minamahal.

"Bessy! Ano'ng nangyari? Saan ka ba galing?" nag-aalala kong tanong nang makalapit ako sa kanya.

"Oo nga Cassie, ang tagal ka hinintay ni gwapo kanina..., nakaalis na siya..." pakli ni Chel

Nakatingin lang siya sa kawalan na parang di naririnig ang sinasabi namin. Kinalas ko ang pagkakayapos ko sa kanya at hinarap siya.

"Breaking his heart was my choice. I knew how much he love me, I knew how much he care, I knew how much he going to need me but still I chose to turn his back on him and watch him silently as he break into pieces." sabi niya na paos na paos ang boses dahil sa patuloy na pag-iyak

"Cassie, wala kang kasalanan, walang may kasalanan, maayos na umalis si Gwapo. Katunayan nga ibinilin ka pa niya sa amin, di ba guys?" paliwanag ni paps Louie

"Bessy,ano ka ba? wag mong sisihin ang sarili mo." sabi ko . "Tama na yan, magiging ok ang lahat." inayos ko ang buhok at pinunasan ang mga luha niya.

Tumingin siya sa akin ng may pilit na ngiti sa mukha. Humakbang siya papalapit sa bench na inuupuan namin kanina, habang nakasunod lang kame sa kanya.

"I hope so..." matipid niyang wika nang makaupo sa bench.

Nagsipuan rin kami sa harapan niya.

"Bessy, think positive. Walang problema na hindi nasusulusyunan. Lahat ng nagmamahal nasasaktan, at lahat ng nasasaktan ay tunay na magmahal.. Kung ngayun bitter ka... aasahan ko na next time BETTER kana!" tugon ko pa na may malawak na ngiti habang hawak ang isang kamay niya.

"Oo, tama si muse, hintayin niyo ang oras niyong dalawa. Right time, kumbaga. Kung talagang mahal mo siya, at kung talagang mahal ka niya, hahayaan niyong oras at panahon ang magdesisyon para sa inyong dalawa. Isama niyo na rin ang tadhana. Sabi nga sa kantang, Somewhere down the road, 'We had the right love at the wrong time.' Kung kayo, kayo naman talaga diba? Gaano man katagal, hindi man ngayon, but somewhere down the road, magkikita pa rin kayo." magandang suhestiyon naman ni paps Marco na nakangiti rin.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now