Chapter 83- Weary

2.9K 85 3
                                    

"Ldr is a battle that you have to fight with your partner, if both wins and survive they will end up being together but if both lose they will end up loving a different person.. And the key to survive this battle is trust and constant communication......."

Drixler's POV

Long Distance Relationship? Yan ang tema ng pag-ibig ko ngayon. Dati hindi ako naniniwala na posible ang ganitong uri ng relasyon, sino ba naman kasi ang papayag na magmahal sa isang taong malayo sayo, pano mo nga ba naman mapapadama sa kaniya yung pagmamahal mo, kung puro tawag/text/chat lang kayo?

Nakakatawa. Kasi dati hindi naman ako naniniwala na posible ang isang long distance relationship. Sa umpisa, malulungkot ka ng sobra syempre. Pero pag mahal mo, balewala yung layo eh. Gagawa at gagawa ka ng paraan para makausap siya. Kahit gaano pa kamahal, o kahit gaano pa kahirap ang signal. Pag gusto, may paraan talaga.

Nakakatawa ulit. Kasi dati hindi naman talaga ako naniniwala na posible ang isang long distance relationship. Ngayon, hindi na ako naniniwala na nawawala ang love at spark pag malayo kayo sa isa't isa. Parang mas lalong nadadagdagan pa nga. Habang naghihintay ako na makita at makasama siya, mas lalo ko pa siyang minamahal. Mas lalong gusto ko siyang yakapin.

"Bullshit!" Singhal ko sa sarili habang nakaupo ng nakasandal ang ulo sa sofa dito sa bahay namin.

Halos isang buwan na kasi ang dumaan mula ng huli ko makausap si Cassie, at hanggang ngayon wala hindi ko makontak kahit saan social media account niya dahil deactivate lahat ng ito. Pag tatawag naman ako kina Pat wala din siya, minsan pag andun siya ayaw makipag-usap. "Jusko! Paanoooo!"

"Hoy! Problema mo? Bakit parang sirang-sira ang araw mo?" Pansin agad sa akin ng kakababa lang sa hagdanan na si Louie.

"Problema ko? Problema ko kung paano makakausap si Cassie!" Pasigaw kong tugon

"Problema nga yan," sabi pa niya at iiling-iling

Tumayo ako at naglakad patungo sa kusina, binuksan ko ang ref at kinuha ang isang pitsel na may laman na tubig saka ako nagsalin sa isang baso.Bumalik ako sa sala at muling naupo sa sofa kung saan andun din si Louie at may kinakalikot sa celfone niya.

"Balak mo?" tanong uli ni Louie habang tahimik lang akong iniinum ang isang baso ng tubig.

"Wala!, anong gagawin ko e, kahit isang account niya walang active, di rin naman sinasagot pag tinatawagan ko." Blangkong reaksiyon kong tugon

"Ano ba kasi ginawa mo at nagtampo ng ganong katagal sayo 'yun?" Pagtataka niya

"Nakita niya ata si Celine nung pumasok sa kwarto ko nung birthday ni Derrick," pag-amin ko

"Then?" Anas pa niya

"Nawala na bigla, end call na agad!" may inis na tono ko

"You explained to her?"

"Oo naman, pero wala! galit nanaman s'ya sa akin ewan ko kung bakit ganun. Nagsimula sa magandang usapan nauwi sa tampuhan.. Hindi ko naman sinasadyang magagalit s'ya ulit sa akin nagulat na lang ako biglang naging ganun. I don't need to tell the whole story because no one cares about it.." dipensa ko na naman

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now