Chapter 63 - Second Thoughts

3.3K 85 4
                                    

Cassie's POV

Kinaumagahan naglalakad ako papuntang tindahan masyado pa maaga pero kelangan ko bumili ng sabon panlaba dahil isasalang ko sa washing machine ang mga damit ko. Nang makasalubong ko si Louie sa daan.

"Hi Louie, Good morning."nakangiting bati ko sa kanya at napatigil ako sa harapan niya.

Nakangiti rin siya.

"Good morning, saan punta mo?"

"May bibilhin lang ako, si Drix gising na ba?" masigla ko pang tanong.

"Tulog pa, mukhang di makatulog kagabi kakaisip." medyo nakaramdam naman ako ng guilt sa sinabi niya sa akin.

"Hmmm..., Louie, pwede ba tayong mag-usap?" napakunot-noo siya.

"Tungkol saan?"

"About Drix,"

"Ah..., ok."

"Doon tayo," itinuro ko ang mini gym at naglakad kami papunta doon.

"Musta kayo ni gwapo?" sambit niya habang naglalakad kami.

Tumingin ako, ngumiti.

"We're good, masaya kami."

Tanging pagtango lang ang naisagot niya sa akin. Pagkapasok namin sa gym naupo kami sa isang bench na nandoon.

"Ano ba gusto mo malaman kay Gwapo," tanong niya agad ng makaupo kami.

"Gusto ko muna itanong kung may sinabi na ba siya sa'yo about sa napag-usapan namin kahapon." walang paligoy-ligoy kong sabi agad.

"Alin? Yung hindi mo pagpayag na ituloy ang nasimulan niya?"sa sinabi palang niya nakuha ko na agad ang sagot sa tanong ko.

Hindi ko naman ikinabigla ang sinabi niya dahil alam ko na magkakausap talaga sila, si Louie lang ang napapagsabihan niya sa mga ganitong bagay they more than friends kung magturingan they look like brothers.

"O-oo, tell me Louie, mali ba ako kung gugustuhin ko na di niya ituloy yon, na wag niya akong iwan?"

"Naguguilty ka ba? Hindi ba unfair para kay Gwapo ang gusto mo?"para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya.

Hindi ako nakapagsalita.

"Pinamili mo siya kung yung pangarap niya o ikaw??!! Natural pipiliin ka, MAHAL KA NIYA, eh. Pero sana isipin mo din ang magiging consenquences na pwedeng mangyari, pagdating ng panahon."seryoso pa niyang sabi

"Makasarili ba ako? He asked me Louie kung ano ang gusto ko mangyari, sinagot ko lang siya sa totoong nararamdaman ko at 'yon ay ang mag stay siya at wag umalis."

"E siya, tinanong mo din ba siya sa gusto niya?" pakli agad niya

"Bakit? Ano ba ang gusto niya? Sabihin mo sa akin Louie." diretsa kung tanong

Old Friend [KathNiel]{Completed}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora