Chapter 20 - One Glance

4.6K 129 1
                                    


Drixler' s POV

Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ko sa mumunting ingay na likha ng mga kasamahan ko sa kwarto, kinapa ko ang celfone ko sa ilalim ng unan ko para matingnan ko ang oras, pilit ko iminulat ang isa sa mga mata ko. '5am in the morning' sa isip ko ng makita ang oras sa celfone ko.

"Jayme, ano tapos ka na ba? tara na sa canteen, duon na tayo kumain, may oras pa tayo. Ikaw ba Louie boy?" naririnig ko ang mahinang pag-uusap ng mga mokong, si Marco ang nag-aaya.

"Oo, sasabay na ako sa inyo," mahina ring tugon ni Louie.

"Let's go mga Papa... message ko lang si bessy," napamulat ako sa pagkakapikit ko ng marinig ang halos pabulong na sinabi ni Jayme sa mga kausap.

"Night shift siya di ba? bakit gising na? baka di niya naalala na mamaya pa gabi pasok niya, pareho kame, e," mga tanong sa isip ko, pagkarinig sa sinabi ni Jayme.

Umikot ako sa higaan ko at gumawa ng mumunting ingay para malaman ng mga mokong na nagising ako sa usapan nila.

"Tara, labas na tayo, nagigising na si Gwapo, yan si Jigs wala yan maririnig kasi nakaheadset yan, sa labas mo na tawagan si Cassie, halina na kayo." mahina pag aaya, pero dinig na dinig ko ang sabi ni Patrick, na lalo naman ako napabangun dahil sa pangalan ni Cassie.

Di ko pinahalatang narinig ko usapan nila, bumangon ako at nagkunwaring mumukat mukat, pero sa totoo lang naiihi rin ako kaya kelangan ko rin pumunta ng banyo.

Palabas na sila ng kwarto ng bumangon ako at binuksan ang kurtina ko, napatingin naman silang apat sa akin.

"Chao an, (good morning) pasensiya na, Gwapo, nagising ka pa tuloy." agad naman bati at paghingi ng despensa ni Louie.

"Ok lang, naiihi rin kasi ako, bawi nalang ako mamaya, maghapon pa naman ako dito." sagot ko naman na medyo paos ang boses ko.

"Good morning, Papa Drix, ay! ang gwapo, gwapo mo pala lalo pag bago gising..." bati na kinikilig pang si Jayme.


Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Good morning din, sa inyo. Sige na kumain na kayo, baka malate pa kayo." pakli ko pa.

"Di ka ba sasabay?" tanong pa ni Pat

tumayo na ako at nagsuot ng tsinelas, naka t-shirt akong puti at boxer, kinuha ko ang bath towel kong nakasampay at isinabit sa balikat ko. "Hindi na, mamaya na lang ako, wala pa rin ako gana kumain."

"Ok bro, maiwan na muna namin ikaw," huling sabi pa ni Marco, at tuluyan na silang lumabas at isinara ang pinto.

Sumunod na rin ako lumabas ng kwarto papuntang banyo, nang makalabas ako madaming mga kasamahan ko sa company ang bumati sa akin, mga morning shift sila.

"Hey dude! aga, ah?" bati sa akin ni Alex na papalabas ng kwarto nila.

"Oo, e, banyo lang," tipid kong sagot

Kumaway lang si Alex at naglakad na palabas ng hallway, ako naman ay naglakad na rin patungong banyo.

Naglakad na muli ako pabalik ng kwarto namin, madalang na ang tao naglalakad di tulad kanina paglabas ko nagtatakbuhan pa ang iba patungong canteen. Nang nasa harapan na ako ng bulletin board, narinig kong may biglang tumawag sa pangalan ko.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now