Chapter 7 - Gwapo

5.4K 118 2
                                    

Drixler POV

"Xie xie ni "(thank you) sabi ko sa driver na sumundo sa akin sa airport at bumaba na ako sa harapan ng gate ng aming dorm. Isang buwan din ako nawala dito sa dorm dahil nagbakasyon ako ng Pilipinas, 3years ko din di nakita ang pinas ah,kaya naman ng makauwe ako last month masayang masaya sina Mama at Papa dahil nakita na naman nila ang anak nilang artistahin hehe ganyan talaga pag gwapo.

Nang makababa na ko umalis din agad ang taxi na sinakyan ko agad ko namang kinuha ang celphone ko sa bulsa ng marinig ko ito tumunog nakita ko pangalan ni Louie sa screen kaya agad ko sinagot.

"Hello"

"Hello gwapo,ano nasaan ka na? Andito ka na ba? miss ka namin tol"

"Taena ang OA pare hahahaha,ou andito na ako sunduin niyo ko dito sa harap ng gate,tumutuma na naman ba kayo?"

"Hahahha hindi noh,hinihintay ka namin,cge punta na kame..bye" end call, icheneck ko rin ang ilang maessage ni Chloe naghihintay din siya sa pagdating ko,humarap ako sa may gate at iginala muna ang paningin habang hinhintay ang mga mokong kong karoom mates, sa labas kitang kita ko ang canteen at ang malaking daan papunta dun na sa oras na ito madaming naglalakad na mga tao dahil oras ng datingan ng mga panggabi ang schedule sa work.

Nilinga ko ng kunti ang mga mata ko at nakita ko ang isang pamilyar na babae sa paningin ko sino pa ba edi si Chloe,nakaupo siya sa upuan na yari sa tubo at kita ko rin na kasama niya mga asungot niyang kaibigan,inalis ko na ang tingin ko sa kanila at muling tiningnan ang daan baka may makitang bago sa paningin ko at di nga ako nagkamali may nakita akong naglalakad na isang babae na naka white shirt at maong na short na medyo maikli labas na labas ang legs niya lampas balikat ang buhok na may kunting kulay,yung mukha niya di ko masyado makita dahil nakatungo ito,pawang ang tindig niya lang ang kitang kita ko at masasabi ko na sexy siya,napatingin naman ako sa kasama niya,kita ko na agad na isa itong binabae at di tunay na lalaki hahhaa napatawa nalang ako at napailing ,sila siguro yung sinasabi ni Jigs na bagong dating at bago rin sa company namin,ou alam ko kasi nabasa ko sa status ni Jigs sa fb. Nawala naman ang pagkakatingin ko sa babae ng nagulat ako sa mga nagsigawan na mga mokong.

"Hoy! Gwapo musta na!!" Sigaw ni Pat

" Taena pare mas nakakagwapo ba sa pinas? Fresh na fresh ka ah." Sabi ni Marco sabay tapik ng balikat ko.

"Hahaha para namang laging bago sa inyo ang hitsura ko, since birth na ito mga tol" Pabiro ko namang sagot at nagtawanan sila..

"Kumusta ang pinas bro." tanong naman ni Louie sabay akbay sa akin.

"Ok naman,gaya parin ng dati laging traffic at mainit parin hehee. Asan nga pala si Jigs?" Sagot at tanong ko narin,kulang kasi ang mokong sa harap ko nawawala si Jigs hehe.

"Ah, si Jigs kasama syempre ang pag ibig niya alam mo namang babe time today kasi off ng lahat dahil shifting na naman." Sabi ni Pat at sumang ayon naman si Marco at Louie " ou nga"

"Oh panu tara na sa loob gwapo may naghihintay sating bago ka room mate bro.,muse yun pare muse hahahah." Tawang sabi pa ni Marco,papasok na kame ng bigla nalang dumamba sa akin ang isang lalaki,sasapukin ko na sana ng makita kong si Jigs pala yun.

"Boss gwapo kumusta!welcome back,walanjo pare namiss ka namin ah. Hahha" sabi ni Jigs habang nakaalakbay saken at tatawa tawa pa.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now