Chapter 11 - Trust

5K 127 2
                                    

Louie POV

Iniwan ko si Drix sa lobby at lumakad na patungo sa kwarto namin, pagbukas ko ng pinto tamang nakaupo sa kanya kanyang bed sina Pat, Marco at Jayme.

"Oh pre, asan si Drix?" si Marco na naghihintay kung may kasunod pa akong papasok sa pinto.

"Nasa labas pa, may kinakausap" tamad kong sagot naman.

Umupo rin ako sa may dulo ng bed ko at kinuha ang celphone ko sa bulsa at binuksan ito nakita kong may mensahe galing sa girlfriend ko.

"Sino kausap pre, si Chloe ba? umalis di ba?" tanong uli ni Marco nakatingin narin si Pat at hinihintay ang isasagot ko. Busy naman sa celphone ang bago namin kakwarto.

"Hindi si Chloe pre, si ano...." naputol na sasabihin ko ng magsalita si Pat.

"Si Angel ba este si Cassie?hahahha"

"Ang tawa ko talaga sa reaction nila kanina.hahahaha.." tawang tawa na singit ni Marco , napapailing naman ako na natatawa rin kasi naman si gwapo natulala talaga ang inakala niyang hipon lang isa palang serena sa ganda.

"Panalo talaga ang Angel at Adonis hahahah" sabi pa ni Pat na sabay sabay kame nagtawanan, tumawa rin ang nakikinig lang na si Jayyme.

"Jayme pre, may boyfriend yung bestfriend mo?" tanong ko naman kay Jayme, mas ok na malaman habang maaga para mapigilan ni Drix.

Kilala ko ang gwapong yun napaka typical niya pagdating sa babae pag gusto niya gusto niya talaga pag ayaw niya walang ibang dahilan kundi ayaw niya.

"Si bessy? Wala siya bf now, before ou nagkaroon" napatigil sa pagtawa bago siya sumagot

"Bakit? ano nangyari?bat naghiwalay" sunod sunod naman tanong ni Pat at Marco ako naman ngayon ang naghihintay ng sagot ni Jayme ng tingnan niya ako tumango lang ako.

"Ano kasi....iniwan siya nung guy mas pinili ang career over Cassie. Yun ang main reason." simpleng sagot ni Jayme

"Ah.....kung ako dun sa lalaki pinagsabay ko nalang career at love, parang kame ni Marco may mga naiwang gf sa Pinas kita mo now going strong..uso na ngayon LDR noh, at nasa magkarelasyon yun kung pano mag wowork ang pagsasama nila d b Louie boy?" mahabang paliwanag ni Pat pero totoo sinabi niya.

"Ou tama si Pat at isa pa kung mahal talaga ang isa't isa gagawa at gagawa ng paraan. Baka naman kasi isa lang ang nagmamahal sa kanila Jayme?" sang ayon ko sa sinabi ni Pat at tanong muli kay Jayme na isa isa kame tiningnan bago sumagot muli.

"Siguro nga tama kayo isa lang nagmamahal, baka si bessy lang kaya napakadali dun sa guy na iwan siya.. Si bessy, for me she's one of kind very different when it comes love."

"Talaga lang Jayme ha, pano yan Louie boy di ka na single hahaha, si Drix naman taken now but later going single hahahahah" pagbibiro ni Marco

"Gago! Tumahimik nga kayo marinig kayo ni Gwapo sa pinagsasabi niyo." sagot ko at may ibinatong bagay kay Marco.

Habang nagtatawanan kame bigla namang bumukas ang pinto kaya napatingin kame lahat sa pumasok,baka nga narinig ni Gwapo ang biruan namin, umimik naman at nagtanong si Jayme  sa bagong pasok sa pintuan para mabasag ang katahimikan.

"Nakapasok na ba si bessy?" tanong ni Jayme

Ou andun na sa room niya" sagot naman ni gwapo at inalis ang suot na cap at sinabit sa likod ng pinto

Old Friend [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon