Chapter 57- Silent Treatment

3.4K 97 5
                                    


Merry Christmas mga loves😍😘

*****

Drixler' s POV

"Bullshit!" inis na sabi ko ng makalayo na si Cassie sa akin.

Padabog akong naupo sa bench para pakalmahin ang sarili pagkatapos ng pagtatalo namin. Yumuko ako habang ang mga kamay ko ay nakatuon sa inuupuan ko.

Pagod at inis ang naghari sa akin ng oras na iyon, ilang minuto pa ang lumipas at tumayo na ako, naglakad pabalik ng kwarto namin. Nakayuko ako naglalakad ng makasalubong ko ang mga kakwarto ko.

"Oh, ito na pala si Gwapo e, ano tara na, umpisahan na natin celebration!" masayang sabi ni Marco.

Tumingin lang ako sa kanila at hindi umimik.

"Where's Cassie, bro?" si Louie

Hindi pa rin ako umimik, tsaka pinagpatuloy ang paglalakad iniwan ko sila na nagtataka at nakalingon sa akin.

"LQ..." narinig ko pa sabi ni Pat.

Pagkapasok ko sa kwarto mabilis akong kumuha ng damit ko. Tinungo ang banyo para maligo.

Wala pa rin tao sa kwarto ng makabalik ako, tinuyo ko ang buhok ko at saka nahiga sa bed ko. Hindi ako sanay ng ganito ang nararamdaman, bago na naman sa akin ito.

"Ano'ng meron sa'yo! bakit ako nagkakaganito pagadating sa'yo!"

Dinampot ko ang celfone na nasa tabihan ko, binuksan ko iyon. Pinuntahan ko ang gallery ko isa-isa kong tiningnan mga picture namin. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang mga iyon.

Gusto ko siyang kausapin pero paano, alam kong hindi ito ang oras kelangan kong palipasin ang sama ng loob o tampo namin sa isa't-isa. Pero di ko matiis miss ko na siya kaya I try to call her, kaso patay ang celfone niya.

Ibinaba ko na ang celfone ko hanggang sa makatulugan ko na ang pag-iisip.

***********

Kinaumagahan nagising ako sa mga tawag sa pangalan ko at tapik sa binti ko ni Patrick.

"Gwapo...bangon na, pasok ka ba ngayon?" iminulat ko naman mga mata ko.

"O-oo." paos na boses kong sagot.

Dahan-dahan akong bumangon.

"Alas-singko na bro." sabi pa ni Jigs na palabas na ng kwarto para sunduin si Chel.

Dinampot ko ang celfone, nakakalungkot wala man lang message na galing sa kanya. Kaya naisipan ko ako nalang ang magmessage.

To: Boo

Good morning Boo...😘

Send!

Tumayo na ako para maligo. Pagkabalik ko mabilis akong nagbihis at nagsapatos, spray pabango at sinuklay ang buhok. Sinulyapan ko muli ang phone ko wala parin message. Napansin naman ni Marco iyon.

"Suyuin mo na kasi,"

"Paano ko susuyuin, sinabayan niya ang galit ko." pagtatanggol ko sa sarili

Nagkibit-balikat pa siya. Natatawa lang naman si Patrick na nasa harap ng salamin.

"Fried chicken?" napakunot-noo naman ako.sa sinabi niya.

"Ano'ng fried chicken?" naiinis kong tanong

"Ah...yung ulam kako sa canteen baka fried chicken..hehe" natatawa niyang sagot.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon