Chapter - 6 Room Mates

6.3K 140 1
                                    

Cassie POV

Nang makalabas kame ng canteen kita ko ang dami ng tao sa daraanan namin at halos mga lalake ang nakaupo sa isang mahabang upuan na yari sa bakal na parang tubo. Nagkita rin kame ng tatlo pa naming kabatch kaya nagsabay sabay na kameng pumunta sa conference room. Nagpatuloy kame ng paglalakad ni Jayme at hinayaan ang mga matang nakatingin sa amin ng may marinig kame mga bulungan sa paligid.

"Sila yung mga bago ng SILICON POWER?" rinig kong tanong ng isang babae sa kanyang mga kasama.

"Girls pala ang bago mga kasamahan nina Drix, anyway Chloe what time ba dating ni Drix.?" tanong naman ng isa pa babae,napalingon ako sa kanila ng malaman naman nilang narinig ko ang usapan nila.

Nginitian ko sila ng bahagya para naman di masabi na snob ako. Nagbalik din sila ng ngiti saken pero pakiramdam ko naman plastik ang mga yun.

Tatlo silang magkakasama mahahaba ang mga buhok nila at yung nasa gitna maganda siya, maputi,matangos ang ilong niya at skinny body at halos kasing taas ko lang din siya,yung dalawang kasama naman niya pawang mga kayumanggi ang kulay na may mga hitsura din naman di kagandahan di kapangitan sakto lang.

Pagbalik ng mata ko muli sa daan abot tanaw ko ang guard house kung saan may lalaking bumaba sa taxi at sinalubong siya ng isang grupo rin ng lalaki na di ko naman makita ang mga hitsura nila kahit yung dumating di ko narin makita dahil sa niyayakap siya ng mga sumalubong sa kanya,ng makalapit na kame ng guard house rinig ko ang ingay ng mga lalaking sumalubong sa bagong dating,nagkatinginan kame ni Jayme.

"Oh,anu?bakit ganyan ka makatingin,nababakla ka na naman at nakakita ka ng mga lalake?" Pang aasar kung tanong sabay rolled eyes sa kanya

"Ay grabe sya oh,di ba pwedeng ang gagwapo lang ng mga ka room mate ko."Tipid niyang sagot at tumingin muli sa mga lalakeng maiingay

"Whatever Jayme,halika ka na nga pasok na tayo sa loob ng matapos na tayo sa tour na ito at ng makabalik na tayo sa room." Aya ko sa kanya sabay hila,aktong papasok na kame sa entrance ng confe room ng biglang may magsalita at tawagin ang name ng baklang kasama ko napalingon naman kame.

"Jayme pare!" Sigaw ng isang lalaki na parang kilala ko ang boses ,bf ni Chel ang nagmamay ari ng boses na yun.At di nga ako nagkamali ng lingunin namin sya.

" Ui. Jigs andyan ka din pala kala ko asa canteen ka?" sagot ng bakla at tanong narin,tamang nakatingin lang naman ako at nakikinig sa kanila ng mapansin rin ako ni Jigs,mabuti nalang kasi di naman ako invisible no.

"Ou dun kame dumaan ni Chel sa may comessary,may binili kasi siya kaya sabi ko sumunod nalang nakita ko kasi na dumating na si Drixler e,kaya napatakbo din ako para salubungin siya..oh, hi Cassie."

"Hello uli Jigs hehe" tamad kong sagot sa kanya

" Siya nga pala Jayme sila ang mga ka room mate natin kumpleto na tayo sa room,celebration na ito mamaya kasi dumating na si Drix,wait pakilala na kita pati narin si Cassie." mahabang sabi pa ni Jigs sabay turo sa mga lalaking papasok na ng gate, na pra saken wala lang pero sa katabi kong baklang bakla halos matumba sa kinatatayuan niya sa kilig...malandi talaga.Kinurot ko sa tagiliran ang bakla para ayusin ang mukha niya kasi tulalang tulala sa mga padating,binulungan ko pa siya.

"Hoy bakla,umayos ka nga,palapit na yang mga ka room mate mo daig mo pa jan ang ihing ihing babae..paka landi mo talaga." Sabay tingin niya saken ng marinig ang sinabi ko at nagpout pa talaga saken...haist napaka arte talaga kundi ko lang ito bff naku naku kinutusan ko na ito.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon