Chapter 79 - Soul Friend

2.8K 81 4
                                    

Cassie's POV

Sa tambayan kami dumiretso nang makaalis si Louie, kain, tawanan at puro kwentuhan ang nangyari sa amin ng mga sandaling iyon.

Nagkukuwento si Patrick ng kalokohan ng biglang mag-ring ang celfone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa niya para sagutin.

"Ay, istorbo naman niyan paps," reklamo agad ni Jayme

"Sandali lang si gwapo natawag..." sinagot niya iyon at lumayo sa amin.

"Sorry si paps Drix pala..." nagpeace sign pa ang bakla

Bigla naman akong natahimik. Tumayo si Jigs at Marco para sundan si Pat. Sa di kalayuan narinig ko ang sigaw nila ng makita na ang tumawag sa screen ng celfone ni Pat. Rinig ko ang tawanan at kumustahan nila, sinulyapan ko sila, napangiti ako dahil nararamdaman ko ang saya ng magkakaibigan.

"Miss mo na?" Bulong saken  ng baklang katabi ko

Nawala ang ngiti ko at kunwaring walang narinig, ibinaling ko ang atensyon sa sitsirya na nasa harapan ko.

"Ay, kunwari wala narinig, kunwari di namimiss but deep inside gustong tumakbo palapit kina paps," pagbibiro ni Jayme

Tiningnan ko siya ng masama,

"Tumigil ka," pabulong kong sabi sa bakla

"Uy, parang gusto ngang tumakbo doon at hablutin ang celfone kay Pat," dagdag pa ni Chel at nagtawanan pa sila na nasa harapan ko.

Inirapan ko sila pareho at hindi na nagsalita. Umakto pa na may binubulong ang bakla kay Chel, hindi ko sila pinansin nagpatuloy lang ako sa pagnguya ng junk food.

Lumipas pa ang ilang sandali, napalingon ako sa tawag ng pangalan ko sa likuran. Lumingon ako, si Pat na papalapit sa akin kasunod ang dalawa ni Marco at Jigs habang hawak parin ang celfone sa kamay niya.

"B-bakit?" Pagtataka kong tono

Nang makalapit siya sa akin, binulungan niya ako.

"Gusto ka daw makausap ni gwapo, kausapin mo na siya please.." napaangat ang mukha ko para matingnan si Pat.

Pinagdaop pa niya ang dalawang kamay niya na para bang nagmamakaawa pa sa akin na kausapin ang kaibigan niya. Napatingin ako sa mga nasa harapan ko at tumatango sila na parang nabasa ang tanong ko na 'kakausapin ko ba?'. Huminga ako ng malalim, tumingin muli kay Pat at tumango nalang bilang sagot ko sa sinabi niya.

Uminom muna ako ng tubig habang kinausap muli ni Pat si Drix. At nang muli niya ako harapin..

"Cassie," wika niya habang iniaabot ang celfone sa akin.

Kinuha ko iyon sa kamay ni Pat, tiningnan kong muli ang mga nasa harapan ko, mga nakangiti sila sa akin, tumingin ako sa hawak na celfone at unti-unti kong iniharap sa may mukha ko.

Nang makita ko siya may kurot, may lungkot. Tipong isang tingin ko lang na sa akin na ulit ang lahat ng alaala niya. Pinagmasdan ko muna siyang maigi, ganun din siya daig pa namin ang bagong magkakilala na ngayon lang nagkita.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now