Chapter 80 - Unchanged

3.3K 87 9
                                    

Drixler's POV

"Anong nangyari dun, gwapo, bakit nakasimangot si Cassie?" agad na tanong ni Patrick nang iharap sa mukha niya ang celfone na iniabot ni Cassie kanina.

Napahaplos sa mukha ko ang aking isang kamay.

"Ewan ko, ok pa usapan namin, dumating lang yung pinsan ni Louie boy, nagkaganyan na siya." paliwanag ko

"Babae ba yung pinsan ni Louie boy?"

"Oo,"

"Ah...,confirmed, nagselos..." natatawang tugon pa ng kausap ko

Napapangiti rin ako sa sinabi niya, di ko alam kung matutuwa ba ako dahil nagseselos siya pero bakit di man lang niya itinanong kung sino yun.

"Sa palagay mo selos ang dahilan niya? Pero bakit? hindi nga niya natanong sa akin nung makita niya." Nalilitong sabi ko

"Maniwala ka sa akin gwapo, selos yun, syempre may kasama ka dyan babae, iisipin nun baka mahulog loob mo dyan sa kasama mo, lalo na ngayon." Siguradong tono niya

Napaisip ako sa sinabi ni Pat na baka tama nga ang sinabi niya, na nagseselos si Cassie sa nakita niya kanina.

"Sige na sige bye na muna, tawag nalang uli ako sa inyo bukas pag nasundo ko na Louie boy," paalam ko na sa kanya

"Ok gwapo, ingat, balitaan mo kami pag and'yan na Louie,"

"Geh, bye,"

Nawala na sa screen ang kausap kong si Patrick, naisipan ko naman na magmessage kay Cassie. Iniopen ko ang messenger ko at hinanap ang pangalan niya. Hindi siya active pero nagmessage pa rin ako, makikita niya rin naman pag nag online siya.

Naghanda na ako ng maluluto para sa dinner, binuksan ko ang playlist ko at pinatunog ang mga music na nakasave duon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naghanda na ako ng maluluto para sa dinner, binuksan ko ang playlist ko at pinatunog ang mga music na nakasave duon.

Habang nagluluto ako di ko maiwasang maalala lahat ng sa amin ni Cassie halos bago palang ang lahat ng pangyayari sa isip at puso ko. "Nag-iisa ka lang boo...ikaw lang." napahinga ako ng malalim at napangiti sa mga naaalala ko.


"Hey bro, you look inspired, ha?" Napatingin naman ako sa biglang nagsalita na, si Derrick.

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Matagal na," simple kong sagot, "Kanina ka pa ba?" sabi ko pa at tiningnan ang niluluto ko.

"Kadarating lang," sabi pa niya na nakatingin sa celfone ko. "Who is she, bro?" Biglang tanong niya.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now