Author's Note

3.9K 83 12
                                    


Maraming salamat sa pagbabasa, pagcocoment, pagvovote, pagsuporta. Maraming salamat sa mainit niyong pagtanggap sa aking kwento, sanay hindi kayo magsawa sa pagbabasa nito. Isang karangalan para sa akin na inyo itong basahin pagpasensiyahan niyo na kung napaluha ko kayo or nalungkot ... sa takbo ng story ko na ito...

**********

Para sa akin ang pagmamahal ay isang magandang bagay na nilikha ng Diyos upang ipamahagi, ibigay ng may kusang loob, hindi para suklian, o maghintay ng kapalit, or of equal value ng iyong ibinigay. Alalahanin natin ang verse sa Bible...

1 Corinthians 13:4-7

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.

Mababasa natin diyan ang tunay at tamang depinisyon ng LOVE. Pinaniniwalaan ko na merong tamang taong para sa bawat isa sa atin, kapag nagkita na kayo, ito ang kabuuan ng kakulangan ng bawat isa. We are a part of a whole kalahati ka, at ang tao na binigay ni papa God sa iyo ay ang isa pang kalahati.

Walang mas mahal mo, o mas mahal ka, tsaka hindi ba't mas masarap na pakiramdam na mas nagmahal ka, mas masaya, magaan at fulfilling ang pakiramdam na 'yon nakapagpasaya ka ng tao. Magpapasalamat s'ya kay papa God sa paglikha ng isang nilalang na gaya mo na nagbigay saya sa kanyang buhay kahit pa ito ay panandalian lamang.

Masasaktan tayo kung nagmahal tayo at hindi naiparamdam ang tamang pagmamahal na nararapat sa atin, OO, pero parte ito ng pagmamahal, hindi mo malalaman ang pagmamahal kung wala ang sakit. (maliit sa malaki; init sa lamig, etc..) walang comparison ang isang magandang bagay kung walang mapait o hindi masyadong favorable na bagay o pangyayari.

Walang ginawa si papa God na pangit lahat ay maganda para sa akin, nasa sa tao na lamang kung paano nya gagamitin o makikita ang kagandahang ginawa nya.

Ang lahat ng ito ay 'cycle of life', wonders of life ika nga sa mga sakit na nararanasan natin hindi ba't meron pa rin naman na magandang naidudulot ito?
natututo tayong maging...

MATAPANG/COURAGEOUS- para tumayong muli at harapin ang susunod na hamon ng buhay o ng bagong pag-ibig, natututo tayong maging..

APPRECIATIVE- pahalagahan ang bawat sandali dahil alam natin na posible na mawala ito, o sa case ng pag-ibig eh mawala ang tao na minamahal natin. nagiging...

HOPEFUL tayo dahil hindi man nag-work out ang isang bagay, o ang isang pag-ibig alam natin na isang araw darating din ito, lumalakas ang ating pananalig

FAITHFUL- sapagkat alam natin na walang imposible sa Diyos na Maykapal, alam nya ang nararapat na tao o pagmamahal na para sa'yo. at napaka-rami pang ibang bagay....

Kaya ang mga luha o sakit, ay meron pa rin magandang naidudulot, mas tignan mong mabuti ang ganda ng bawat bagay, ng bawat tao, ng bawat pag-ibig, ng bawat karanasan at pagkaka-taon na nakikilala mo ang iyong sarili.

Isa pang punto? natutunan ko rin na dapat ko mahalin ang sarili ko. You can not loose yourself in the process, paano ka magiging instrumento ng pagmamahal ng Diyos sa iba kung hindi mo kayang mahalin ang iyong sarili, ano ang maibibigay/maipamamahagi mo sa iba, kung sa iyo pa lang mag-uumpisa wala na??

Bakit may mga taong nananakit? baka dahil nga hindi nila nakikita pa ang kagandahan ng tunay na pag-mamahal, at iyon nga ay defined by the verse in the Bible. Kung tutupdin ng mga tao ang sinasaad doon, sigurado na walang mananakit at walang masasaktan.

*****

Hindi ako 'expert' sa larangan ng pag-mamahal. isinasaad ko lang ang opinion at nararamdaman ko sa mga oras na ito, hindi rin ako perpekto na tao para sabihin na hindi ako nakapanakit, at tao rin ako na nasasaktan.

Masaya ako na ibahagi ang mga natutunan ko sa buhay, meron mang maka-relate o hindi sumang-ayon, ito ay nirerespeto ko. Dahil magpa-hanggang ngayon marami pa rin akong kailangan na matutunan, sa buhay at sa larangan ng pag-ibig.

********

Salamat sa pagbabasa kaibigan. Isa ka sa mga kailangan ko dito. Para may magsilbing dahilan pa para ako ay patuloy na mag sulat. Lalong ma inspire. Salamat ulit.

*******
Malapit ko na po umpisahan ang Book 2🤗
Godbless Everyone😇💙

Old Friend [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon