Chapter 49 - Incapable

3.5K 93 2
                                    


Drixler's POV

"Gwapo! court na kami, sunod kayo!" sigaw ni Jigs sa akin na nakatayo sa labas ng entrance ng girls area at hinihintay si Cassie sa paglabas.

"Sige, sige." nag-waved pa ako sa kanila

May laro kasi ngayon ang ibang team, waiting na lang  ang team namin para sa makakalaban sa championship.

Tiningnan ko ang celfone na hawak para sana tawagan uli si Cassie nang bigla nalang may yumakap sa likudan ko.

"Love..." sambit pa niya habang may paghalik pa sa likod ko. Kumalas siya pagkakayakap at hinarap ko siya.

"Nanggugulat ka ha!" nakangiti kong sabi sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka binigyan ng halik sa noo niya.

"Where we going now?" tanong niya.

"You want to eat something? or you want to watch the game?" tanong ko rin habang hawak ko pa mga pisngi niya.

"I'm not hungry now," sabi niya at inilingkis mga kamay niya sa bewang ko.

Inalakbayan ko naman siya at nagsimula na kami maglakad-lakad.

"Ok, punta muna tayo saglit sa court sisilip lang ako sa laban." nakatingin ako sa kanya at nakatingin rin siya sa akin na medyo nakatingala siya habang naglalakad kami.

"Ok."

Time-out nung dumating kami sa court, luminga-linga ako para makita kung nasaan ang mga gunggung.

"Love, iyon sila oh!" sabi niya habang nakaturo sa kinaroroonan ng barkada.

"Tara boo," naglakad uli kami papunta sa pwesto nila.

Habang binabaybay namin ang gilid ng court napansin ko ang mga pasimpleng tingin ng mga mata sa girlfriend ko.

"May mabubulag! sinasabi ko sa inyo!" singhal ko sa isip habang nakatingin ng masama sa mga player na nadaanan namin.

Yung kamay ko na nasa balikat ni Cassie ay napapunta agad sa bewang niya, dahil sa mga matang nakatingin umabot pa sa may tiyan ang kamay ko.

"Gwapo! pakilala mo naman kami sa kasama mo." sabat ng isang player, napatingin naman kami ni Cassie.

"Girlfriend ko." tipid kong sagot at mabilis na naglakad.

"Mabilis ka talaga, Gwapo." pakli pa niya

"Hindi kasi ako pagong, gago!"

Walang lingon-lingon kahit na may gusto pa sila sabihin, wala akong oras na pakinggan mga kalokohan nila.

"Oh, ito na pala ang lovebirds e, upo na kayo." si Marco habang ngumunguya ng sitsirya.

"Hindi kami magtatagal, silip lang ako."

"Bakit? saan ang punta niyo?" usisa ni Pat

"May pag-uusapan kami."

"Ah...ok." sabi pa ni Pat

"Cassie, maupo ka muna." si Chel

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now