Chapter 85- Set You Free

5.2K 130 49
                                    


Hello readers🤗, tinatapos ko na po itong unang story na ito. Kung nabasa niyo po ang simula nito malalaman niyo po kung bakit ito na ang huling chapter, pero wag po kayo mag-alala may kasunod pa ito at sana samahan niyo pa ako sa magiging kaganapan sa pangalawang story ni Cassie and Drix.😊

******************

Cassie's POV

There are no exact words to express how I feel right now. When life tests you with all these challenges and see you and your partner's imperfections then you have no weapon to protect you from the stress and hurt and anxiety you'll feel.

Ang gulo ng isip ko ngayon sobrang gulo na gusto ko snap snap lahat pero hindi naman ganun ang buhay. You can never expect thing to just be there and never you can expect people to do things for you snap snap.

A lot has happened and still gonna happened. Sa sobrang rami hindi na ako nakakapag isip ng tama, hindi ko na din ma distinguish kung ano ba talaga ang nararamdaman ko, kung ano ba dapat yung gagawin ko. All I know is do the right thing, but what if the right thing doesnt make you happy thats when complication comes in...

*******

Nakahiga ako ngayon, nagiisip, ang lakas ng ulan sa labas. Ang ingay ng bawat patak nito sa bubong. Sa bawat patak, sumasabay naman ang pagtulo ng luha ko. Lately I've spending my time sa pagmumukmok, pag-iiiyak, pagtatago ng mga nararamdaman.

Isang linggo na ang nakaraan mula ng nabasa ko ang email ni Drix, isang linggo narin na wala kahit anong messages akong natatanggap galing sa kanya. At sa loob ng isang linggo na dumaan napag-isipan ko na rin lahat at nakapagdesisyon na rin ako. Desisyon na hindi ko alam kung saan ako dadalhin pagdating ng panahon.

Bumangon ako sa pagkakahiga at kumuha ng tissue tsaka dali-daling pinawi ang mga luhang pumapatak. Dinampot ko ang ipad ko, binuksan iyon at tumungo sa email ko. Binalikan ko ang huling email ni Drix sa akin, nang muli ko mabasa ay ganon parin kasakit ang naramdaman ko.

Nagpakawala ako ng isang napakalalim na hininga, bago sinimulan ang pag-compose ng sagot ko sa message niya.

Drix,

Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Mahirap, sobrang hirap. Hindi naging madali para sa akin gawin ito. Alam ko ding hindi magiging madali ito para sa'yo. Pero kailangan..kailangan na nating tapusin ito. Hindi dahil hindi na natin mahal ang isa't isa, hindi din dahil hindi na tayo masaya. Pero may mga bagay talaga na kailangan ng tapusin para makapag simula ng panibago. Bagong buhay, bagong pakikipagsapalaran, pero ngayon ng mag-isa na.
Patawarin mo ko kung pinili ko na lamang makipag hiwalay sa'yo imbis na sumugal sa LDR na tinatawag nila. Mahirap. Ayokong dumating tayo sa point ng hindi pagkakaintindihan habang magkalayo tayo. Ayokong mag away tayo, hindi magkaunawaan, at magkasakitan habang wala tayo sa tabi ng bawat isa.
Kaya patawarin mo ko kung mas pinili kong palayain ang ating mga sarili dahil lamang sa layo ng distansyang namamagitan sa atin. Siguro nga masyado kong pinangungunahan ang mga bagay, pero masisisi mo ba ko kung ayaw kong magkasira tayo kung kaya't mas pinili kong maghiwalay tayo ng maayos?
Sorry kung hindi ko na matutupad ang pangako kong hindi kita iiwan. Sorry sa lahat ng sakit na naidulot ko sa'yo ngayon. Sorry kung sumuko agad ako. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi kita mahal. Mahal na mahal kita kaya mas pinili kong isuko na lamang muna ito dahil yun ang alam kong higit na makakabuti satin.
Kung naging malalim ka at ako'y naging mababaw sa pag intindi sa pagmamahal, at hindi nagtugma ang bawat kilos at salita natin, patawad. Pero hindi kita binalewala o sinayang. Alam mo nang iyon lang ang nakayanan ko sa ngayon, at patuloy kong sinisikap na mas maging  mabuti. Tahimik lng ako pero binubugbog ako ng kunsensya dahil alam ko kung anong mali ko. Kaya't huwag mong sisisihin ang sarili mo sa mga nangyayari. Baka nga maging maligaya ka basta makasama lang ako, pero paano ang kakayahan kong pasayahin ka sa sarili kong pamamaraan? Baka hindi di ko pa kaya.
Mahal kita.. sobra..Kaya ako umiiyak at nasasaktan ng ganito..kasi nahihirapan ka na..
Ayokong ng dahil sakin nahihirapan ka..
Patawarin mo ko.. dahil hindi ko rin ginusto ang ganitong sitwasyon, Pero mas hindi ko kakayanin na makita kang nahihirapan.. Alam kong hindi mo na kaya.. Sobrang mahal kita pero bibitawan na kita..Unti unti akong bibitaw..Hanggang sa maglaho na lahat ng sakit..Pipilitin kong kayanin para sayo..Sorry.. I'm so sorry....

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now