Chapter 24 - Inspired

3.9K 98 3
                                    


Cassie's POV

Bumalik na kame agad ni Chel sa kanya kanyang puwesto after ng thirty minutes break. Maging si Jigs at Drixler na kasabay namin. Kumain lang naman kame sa canteen, tamang kwentuhan habang kumakain.

Sa gan'ong pangyayari natapos ang kalhating oras na breaktime namin. Naupo na muli ako sa harap ng mahabang mesa at inumpisahan ang mga panibagong iinspeksyunin ko.

.....................

Drixler's POV

I am amazed
When I look at you
I see you smiling back at me
It's like all my dreams come true

I am afraid
If I lost you girl
I'd fall through the cracks and lose my track
In this crazy lonely world

Sometimes it's so hard to believe
When the nights can be so long
And faith gave me the strength
And kept me holding on

You are the love of my life
And I'm so glad you found me
You are the love of my life
Baby put your arms around me
I guess this is how it feels
When you finally find something real
My angel in the night
You are my love
Love of my life

"Inspired na inspired ka ata, Gwapo," napatigil ako sa pagkanta habang nag-eencode at nilingon ang kasama ko na si Jigs na ngingiti-ngiti.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa harap ng computer.

"Di naman masyado, sakto lang." wika ko sa kanya habang nagpapatuloy sa ginagawa ko.

"It's Cassie, right?" tumingin lang ako sa kausap ko na nakangiti at di siya sinagot.

"I know you, bro!"hirit pa niya at tumalikod na sa akin para bumalik na sa pwesto niya.

Lumipas ang oras ng di ko namalayan na breaktime na pala uli namin. "4am in the morning." bulong ko at tumayo na para lumabas ng cleeanroom.

"Hoy! Jigs, breaktime!" sumigaw ako dahil masyadong maingay ang machine sa loob baka di ako marinig.

"Sige bro," lumakad na ako papuntang locker at kasunod ko narin siya.

Pagkalabas namin ng locker mabilis na pinindot ni Jigs ang elevator pababa na ipinagtaka ko naman.

"Oh, bakit pababa? Di ba natin pupuntahan yung dalawa sa taas?"

"Chel message me now, nasa canteen na sila, hinihintay tayo." pumasok kame ni Jigs sa nagbukas na elevator, pinindot ko naman ang letrang G ng makapasok kame.

Pagdating namin ng canteen hinanap agad ng mata ko si Cassie at Chel, pero wala ako nakita kahit anino nila. Wala pa iba tao dito kame palang ni Jigs.

"Jigs, nasaan na yung dalawa? wala pa dito, tawagan mo nga si Chel" akmang tatawagan na niya ang gf ng biglang may pumasok sa pintuan ng canteen.

"O, eto na sila!"  sambit ni Jigs at lumapit naman agad kay Chel at inakbayan ito.

Napatingin naman ako sa nasa gilid ni Chel na si Cassie, mukhang inaantok na ang mga mata niya. Nginitian ko siya, at sinuklian din naman niya ako ng isang magandang ngiti kahit medyo antok na siya.

"Sige na, maupo na kayo sa sofa bago pa tayo maagawan ng puwesto, may kukunin lang ako sa ref."  tinungo ko ang frigider at kinuha ang ipinabili kong apat na ni'cha.

Nakita kong nakaupo na sila, magkatabi siyempre si Jigs at Chel at si Cassie naman ay nasa dulo ng sofa na nakasandal ang ulo at nakapikit ang mga mata.

"Wow! may pa ni'cha ang Gwapo," natutuwang sabi ni Chel ng makalapit ako sa kanila.

"Tulog ba yan?" mahina kong tanong habang iniaabot kina Jigs at Chel ang ni'cha.

"Kanina pa daw siya inaantok, try mo painumin ng ni'cha baka magising." tumango-tango lang ako

"Thanks bro, sana gabi-gabi may pa-ganito ka."

"Ngayon lang yan, wag ka abuso," sagot ko kay Jigs na ngayon ay nag uumpisa na inumin ang ibinigay ko.

Lumapit ako sa tabi ni Cassie na mukhang nakatulog na nga. Maingat akong umupo sa tabi niya at balak ko siyang gisingin.

"Cassie," mahina kong bulong sa may tenga niya

"Hmm..." napangiti naman ako ng tumugon siya, ibig sabihin di pa siya tulog. "Wagi ka Gwapo!" masayang sigaw sa isip ko.

"Try to drink this, baka makatulong na mawala ang antok mo," iminulat niya ang mata niya at tumingin sa hawak kong ni'cha.

Tumingin siya sa akin na nakangiti kahit bakas sa mukha niya ang pagod at pagkaantok. Umayos siya ng upo, at tinanggap ang hawak hawak kong ni'cha na inialok sa kanya.

"Milk tea, right?" bungad niyang tanong matapos makuha sa kamay ko ang inumin.

"Yup! masarap 'yan."

Sinimulan naming sipsipin ang straw na nakalagay sa ibabaw ng ni'cha. Tumingin siyang nakangiti sa akin na parang nasiyahan sa iniinum niya.

"Masarap siya, thank you Drix."

"Ito iniinum namin pag medyo tinatablan ng antok, pantanggal antok daw sabi ng mga chekwa." sabi ko pa at sumipsip uli.

"Talaga lang, ha?" nakangiting sagot

"Oo, ah! Baka hanggang pag-uwi mamaya di ka makatulog. hehe" pagbibiro ko pa at isinandal namin ang likod namin sa sofa na kinauupuan.

"Cassie, puwedeng magtanong?" pag-iiba ko ng topic namin.

"Sure, basta ba kaya kong sagutin, e,"  kumportable niyang sabi habang nakatingin sa hawak niyang ni'cha.

Napaayos ako ng upo ko, tumagilid ako sa harap niya at isinandal ang kalhating katawan sa sofa.

"Bakit kayo nagkahiwalay ng boyfriend mo?" napaubo siya ng marinig ang salitang pinakawalan ko.

"Ok ka lang?" mabilis kong sambit.

"A-ah, e, o-oo ok lang, nabigla lang sa tanong mo." nagpuputol-putol niyang sabi na ngayon ay nakatingin na sa akin.

"It's ok Cassie, kung di mo masagot, nacurious lang ako kung bakit iniwan ka niya o iniwan mo siya."

"No, I can answer, nabigla lang talaga ako."

"Are you sure?"

"Oo naman, matagal na 'yon at naka-move-on na ako, I let him go already." nakangiti niyang sambit sa akin.

Nakikita ko sa mga mata niya na totoo ang sinasabi niya at walang halong pagpapanggap, she already moved on from her past. Habang tinitingnan ko siya, bigla kong naalala ang isang quote na.....

"I want to slow down in love, to savour each and every part of you to register every single detail of you into the walls of my head. I want to slow down in love, but you smile and I, somehow, come crashing down in the name of love, all for you. "


................................................................................................................................................

Old Friend [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon