Chapter 64 - Choosing

3.5K 90 2
                                    

Drixler's POV

Nakahiga lang ako sa kama, pero hindi naman ako makatulog. Basta nakatitig lang ako sa kisame, nag-iisip, pero hindi ko naman alam kung ano ang aking iisipin.

Maraming tanong sa aking isipan, Na hindi ko pa nahahanap ang kasagutan. Maraming labag sa loob ko pero yun ang nararamdaman o gusto ko. May mga bagay na hindi pwedeng mangyari pero nangyayari.

"And that's bullshit!" singhal ko sa sarili ko.

Bumangon ako at pabuntong-hiningang tumayo para uminum ng tubig. Padalawang gabi ko na ngayon na halos di makatulog sa kakaisip, simula nung aminin ko kay Cassie ang tungkol sa apply ko.

Lumagok ako ng isang basong tubig bago bumalik uli sa bed. Naupo muna agad na kinuha ang celfone ko at binuksan iyon. "Sobrang mahal kita!" bulong ko sa sarili habang nakatitig sa picture ni Cassie na kinuhanan ko kanina nung nasa hotel kami.

 "Sobrang mahal kita!" bulong ko sa sarili habang nakatitig sa picture ni Cassie na kinuhanan ko kanina nung nasa hotel kami

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

"Kapag nakikita kita hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Sa gilid ng iyong mata tinitignan kita, Mga ngiti mong parang walang problema. Boses mong hindi ko alam kung paano pakikinggan sa sobrang ganda kapag kumakanta. Kapag kausap ka para akong isang poste dahil hindi makakilos, Naninigas mga tuhod at napipipi kapag meron dapat itanong dahil sa takot ng aking nararamdaman baka matulad tayo sa ibang magkarelasyon." sabi ko pa sa sarili.

"Baka matunaw yan, Gwapo." si Louie na dumaan sa harapan ko.

Tanging paghinga ng malalim lang ang naisagot ko.

"Still confused? unsure?" sabi pa uli niya.

"Ewan...,Napaka-daya talaga ng panahon pagdating sa atin mga tao kaya minsan hindi ko na alam kung saan ako lulugar sa lahat ng nangyayari sakin. Bawat pagkakataong dumadating sa buhay ko hindi ko na alam kung ano nararapat sa hindi para sakin."lumapit siya sa akin, kumuha ng isang bangkito at naupo sa harapan ko.

"Lahat ng dinadanas natin mga tao, may dahilan kung bakit nangyayari iyon kaya kung ako sayo wag mo na pahirapan ang sarili mo.  "Gawin mo ang alam mong tama para sa ikakasaya mo"Wag mo na isipin ang ibang tao dahil sa bandang huli ikaw parin ang magdedesisyon para sa sarili mo." suhestiyon pa niya.

"Ano ba ang tama? si Cassie ang tama para sa akin." I sighed

"Kung siya ang ikakasaya mo stay without any hesitation." pakli pa niya

"I have to pick between my girlfriend, whom I absolutely love, and my dream. Is there a way for me to choose both?" naguguluhan kong tanong.

"Choose the job, love always finds a way" napatingin ako sa kausap ko.

"Alam mo Gwapo, kung para kayo sa isa't-isa kahit saan pa man kayo makarating na dalawa pagtatagpuin at pagtatagpuin kayo ng panahon." sabay kaming napatingin ni Louie sa nagsalitang si Patrick.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin