Chapter 18 - First Picture

4.8K 139 11
                                    


Drixler's POV

"I tell you what it hurts, soon..." napapailing na natatawa ako sa sinabi ko kay Cassie, hindi ko alam kung saan ba parte ng utak ko nakuha ang salitang yun, napapansin ko na masyado na akong nagiging korni minsan, na wala naman sa vocabulary ko.

Pagpasok ng kwarto, nadatnan kung mga naghiga na ang mga kasamahan ko sa kani-kanilang bed.

Umupo muna ako sa bed ko at tinanggal ang cap na suot ko pa. "Ang aga niyo yatang lumimlim, mga bibe, hehehe" natatawa kong sinabi sa mga mokong na mga seryoso sa celfone nila.

"Ang tagal mo kasi pumasok, e," maktol naman ni Marco.

"Simulan muna ang kwento, pre, habang mga mulat pa kame." pag-uutos na tono ni Pat

"Huh! Ano ikukuwento ko? kelangan niyo ba ng story telling bago kayo matulog? Kelan pa nauso yan dito sa B25? pang-aasar kung sagot, kahit alam ko naman na gusto nilang marinig about what happened between me and my ex.

"Gwapo, masyado mo namang kino curious yang mga yan e, alam mo namang mga chismoso yan. hahaha." nakatawang sabat ni Louie na bumabangon na sa pagkakahiga niya.

"Mukhang di naman sila interesado, pre, mukhang busy sa mga chicks nila, kaya tayong dalawa nalang mag usap Louie boy." pagpaparinig ko sa mga chismosong bibe na mga naghiga.

Sabay-sabay na nagsibangun sa pagkakahiga nila sina Pat, Marco, Jigs at ang muse namin na si Jayme, mabilis na mga umupo sa kani-kanilang bed at ibinaling ang atensyon sa akin.

"Hahaha, taena, daig ko pa ang nasa hot seat ah, at kayo ang audience!" pagbibiro ko pang muli.

"Oo, iba kasi pag gwapo, e, laging laman ng tabloid!" panloloko naman ni Pat, sabay sabay kaming napatawa.

"Sino si Boy Abunda?" singit naman ni Jigs

"Ito oh! ang nag - iisang muse natin sa B25" mas lalo napalakas hagalpakan namin sa itinuro ni Marco na si Jayme na kumuha pa ng eye glasses at isinuot.

"Achieved ko na ba mga Papa..." maarting tono pa ni Jayme.

Nagtawanan kaming muli sa inasta ni Jayme, dahil hindi siya kamukha ni Boy Abunda, kundi para siyang baklang kapre na nerd hahahhaa.

"Ssh, tahimik na kayo! uumpisahan na ni Gwapo," atat na sabi pa ni Louie.

Dinaig pa namin ang mga babaeng nagsasabihan ng sikreto, sa mga sandaling ito. Kung kanina puno ng tawanan ang kwarto namin , tila may anghel namang dumaan sa paligid namin dahil sa katahimikan.

Inumpisahan ko na ang sasabihin ko sa kanila.

"Okey, I ended our relationship." seryoso kong sabi sa kanila. Tila di narin sila nagulat sa sinabi ko, maliban kay Jayme na medyo curious.

"Relationship? to whom?" curious na tanong ni Jayme.

"Sa girlfriend niya ng dalawang taon," sinagot ni Jigs ang tanong niya, napatango nalang si Jayme at di na muling nagtanong.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now