Chapter 52 - Good Day

3.7K 97 6
                                    

Cassie' s POV

Nakasakay na kami ngayon ni Drix sa taxi para mag mall, sabi niya magwatch rin daw kami ng movie. Naexcite naman ako kasi first time ko makapasyal ng ng hindi nagmamadali, at kaming dalawa lang ang magkasama.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at marahang isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Iniyuko niya ang ulo niya para matingnan ako, iniangat ko naman ang mukha ko.

"Your beautiful...and I love you... always." malambing niyang tono at dinampian niya ang noo ko ng isang halik.

"No words could express how much I love you. Akala ko nuon, hindi na ko makakatagpo ng taong magmamahal sakin ng tunay, dumating na nga sa puntong galit ako sa lahat ng lalaki, tingin ko pare parehas silang manloloko. Pero, alam nga talaga ni Lord kung kailan dapat lumugar at dumating ang isang tao sa buhay natin." nakangiti kong sabi.

"Ibinigay nya ako sayo nuong alam nyang sumuko ka na at pagod na. Hindi mo lang napansin agad na ako yung bagong blessing nya sayo. hehehe." may pagbibirong tono niyang wika.

"Akala ko isang ordinaryong tao ka lang na dadaan sa buhay ko. Pero hindi, mali pala ako ng akala." wika ko pa.

"Salamat sa pagmamahal at efforts na ginagawa mo para sakin. Alam kong maaaring magbago ang lahat, alam kong maaring dumating ang araw na magbago ang nararamdaman natin para sa isat isa, alam kong maaaring mawala ang lahat ng pinapangarap natin ngayon. Pero Boo, pangako.. Hinding hindi ka mawawala sa puso ko. Pagmamahal mo lang ang tanging nararamdaman ko ngayon, ikaw lang ang gusto kong makasama sa buhay ko." seryoso niyang sabi, hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko sa sinabi niya.

Pakiramdam ko parang mawawala siya sa akin, pero inalis ko iyon sa isip ko, hindi ito ang oras para mag-isip ako ng kung ano-ano. Dahil alam kong hindi mangyayari iyong naiisip ko.

"Napaaga nga yata yung pag grant ni Lord sa pangarap ko. Kasi binigay ka na nya sakin. Ikaw yung pangarap ko na hindi kayang tumbasan o di kaya'y kayang gayahin ng iba. Nag iisa ka lang love." napangiti naman siya, ngumiti rin ako.

"Ikaw din boo, nag-iisa ka lang dito." sabay turo sa kaliwang dibdib niya. "Kahit ano'ng mangyari, mananatili ka dito." dagdag pa niya.

Niyakap niya ako, niyakap ko siya nanatili kami sa ganung posisyon hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.

"Nimen liang ge shi tian ah..." (You two are sweet ah...) puri naman ng driver ng taxi na sinakyan namin na sabay naman kami napatawa ni Drix.

"Women hen kuai jiu jiehunle." (We are getting married soon.) pagbibiro naman ni Drix, nahampas ko naman siya ng mahina dahil sa sinabi.

"Zhen? Gongxi nimen liang ge!" (Really? Congratulations to both of you!) Iniabot na niya ang bayad namin.

"Shi! Xiexie." (Yes! Thank you.)

"Huanying, shi xuduo baobei, ah." (Welcome, make many baby, ah.) Napahagalpak naman kami ng tawa sa sinabi pa niya.

Inalalayan niya ako makababa ng isasara na ni Drix ang pinto ng sasakyan.

"Dangran! Houlai women kaishi zuo. hahahaha." (Ofcourse! Later we start to make.) hinampas ko muli siya dahil sa mga pinagsasabi niya sa chekwang driver.

"O! Chong a! Buyao lei!"(Oh! Go,go,go! Don't be tired!)

"Hahahahha. bye!" sabi pa ni Drix bago tuluyang isinara ang pinto ng sasakyan. Kumaway pa sa amin ang driver at saka pinaandar muli ang sasakyan niya.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon