Chapter 77 - Confession

3K 82 6
                                    


Louie's POV

Nalito ako sa tanong ni Cassie sa akin, hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kung isagot, kahit alam ko naman sa sarili ang totoo kung bakit ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kanya.

Hindi ako takot na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, takot lang ako na marinig ang side niya. Hindi ako takot magmahal, takot akong hindi ako mahalin pabalik. Hindi ako takot magsabi ng feelings ko, takot ako na baka ma-reject ako. Hindi ako takot ipakita na gusto ko talaga sya... takot ako na baka dahil sa nararamdaman ko, lumayo sya. At tuluyang mawala sa akin.

Yung mga pakiramdam na gusto ko sanang magtapat ngunit takot ako na di ka mapansin. Yung gusto ko sanang mag-alala at makialam ngunit alam ko na wala akong karapatan. Yung gusto ko sanang makasama siya sa panghabang-buhay ngunit alam kong hindi pwede.

Nakaupo na kami sa pangalawang baytang ng hagdanan.

"Hoy! Louie, ok ka lang ba?" tanong niya ng mapansin niya ang pagwalang-kibo ko sa unang itinanong niya.

Napahinga ako ng malalim, at pilit na napangiti.

"Ha? Ano nga ba ulit yung itinatanong mo?" pagkukunwari ko nalang

"Ang sabi ko kung ok ka lang," napakunot-noo siya

"A-ah, oo naman, bakit mo naman naitanong?"

"E, kasi naman hindi mo na nasagot ang tanong ko, natulala ka na d'yan. Masyado ba mahirap ang tanong ko?" wika pa niya na nakatingin sa akin.

"Alin bang tanong?"

"Hay, naku out of this world ka ata ngayon e, dahil ba sa isang araw na ang flight mo kaya ka nagkakaganyan. Masyado ka excited, ha!" nakangiti pa siya.

Napangiti rin ako.

"Medyo...," tugon ko

"Makakasama mo na uli bestfriend mo." may lungkot na tono sa boses niya.

"O-oo, m-may gusto ka ba iparating or ibilin para sa kanya?" marahan kong sabi

Ibinaling niya ang paningin sa malayo, huminga ng malalim at saka nagpakawala ng isang magandang ngiti.

"Sasabihin mo ba kung meron?" sumulyap siya sa akin.

"Syempre naman...," tumango-tango siya at muling ibinaling ang paningin sa malayo.

"Sige..., pakisabi sa kanya na...." napatigil siya at bumugtong hininga muli tsaka. "Maghihintay ako. Oo maghihintay ako. Yan ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko. Maaayos din ang lahat. Matatapos din ang sakit. Mawawala din ang pait. Maghihintay ako. tahimik lang akong nakikinig sa kanya. "Naniniwala ako na ako ang mahal niya. May mga bagay lang na sadyang hindi namin hawak. May mga bagay na mahirap kalabanin lalo na't marami ang hadlang. Naiintindihan ko na nahihirapan siya sa sitwasyon namin ngayon. Nahihirapan din ako. Pilit kong iniintindi ang mga bagay bagay sa twing nawawalan ako ng pag asa. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na mahal niya ako at may pangako kaming binitawan sa isa't isa. Na balang araw pag maayos na ang lahat ng ito magiging masaya din at magkakasama kami muli ng tuluyan. Na magbubunga ng maganda ang paghihirap na ito. Wala ng hahadlang. Wala ng makakapigil pa. Tanging siya na lang at ako at ang panghabang buhay na saya na aming matatamo. Kaya pinapangako ko maghihintay ako hanggang sa matupad lahat ng pangarap namin." maluha-luha niyang sabi.

May kung anong sakit na kumikirot sa dibdib ko sa mga oras na iyon, habang naririnig ko at nararamdaman ko kung gaano niya kamahal ang kaibigan ko, na di ko naman maiwasang sabihin sa sarili na "Sana ako nalang."

Old Friend [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon