Chapter 65 - Secret Pain

3.2K 87 6
                                    

Cassie's POV

Isang buwan na naman ang nag daan sa buhay naming dalawa ni Drixler. Isang buwan na puno ng matatamis na ngiti, masasakit na kurot na tanda ng pag lalambing, ang makulit na pagtatalo sa isang online game, at isang malambing na good bye kiss sa pagtatapos ng aming araw.

Ayoko pa sanang magmahal nung dumating si Drixler sa buhay ko. Hindi ko binalak o hindi man lang sumagi sa isip ko na mahalin sya. Ang mapalapit sa kanya ay di ko inaasahan. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang lahat ng ito. Akala ko nuon, malabo ng may magmahal sakin ng totoo, yun bang alam kong mahal nya ko at the same time gumigising din ako sa umaga knowing that Mahal ko din sya.

Sa dami ng bagong taong nakapaligid sakin dati, hindi ko napansin si Drixler. Napaligiran ako ng matitingkad na kulay, na tingin ko'y mas nakakapukaw ng pansin ng kahit na sino. Madaling mapansin dahil pare parehas. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, lumitaw ang nag iisang kulay na nagpabago sa mundo ko. Isang taong nagturo sakin kung paano maging masaya uli sa kabila ng sakit at hirap na nararamdaman ko sa nakaraan ko.

Sobrang blessed ako to have him in my life. Isa syang blessing from God na alam kong magtatagal sakin, isa syang precious gift na iingatan ko for the rest of my life. Ngayon ko lang nalaman kung ano yung feeling ng happy and contented na relationship.

Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong klaseng pagmamahal, yung hindi ka natatakot na mawala sya dahil alam mong wala kang pagkukulang sa kanya, yun bang dahil alam mong masaya sya sayo, yun bang wala kang tinatago sa kanya.

My family already met him, so do his. Isa pa sa magandang part ng relationship namin, hindi lang isa yung na bubuild. Pati friendship. We were bestfriends at the same time, hindi lang puro sweetness. We talked about what's happening in our work, exchanging ideas about our plan. Ganun!! Sobrang masaya.

Ngunit sa kabila ng bawat masasayang sandali namin, di maiiwasang bumisita ang mga problema...

Alas-otso ng umaga, bumaba kami ng shuttle galing company. Palakad na kami ni Drixler ng bigla siyang tinawag ni ate Levy.

"Drix! halika muna dito, may dumating na sulat sa inyo ni Louie." nagkatinginan muna kami bago lumapit sa tumawag.

Ewan ko pero kinabahan na ako ng mga oras n iyon. Nakasunod lang ako sa kanya, pagkalapit namin iniabot niya ang isang sobreng puti.

"Congrats sa inyo ni Louie, 'yan na yung matagal niyo ng hinihintay." masayang bati sa kanya ng tagapamahala ng dorm.

"Salamat ate," yun lang ang nasabi niya at humarap na sa akin.

"Let's go boo," pilit kung ikinubli ang kaba at kirot na nararamdman ko sa harapan niya.

Naglakad kami na tahimik pareho, ayaw kong magtanong tungkol sa sulat na dumating dahil natatakot ako marinig sa isasagot niya.

Tumingin siya sa akin, napatingin rin ako sa kanya pilit na ngiti ang ibinigay ko.

"Ok ka lang?" marahan niyang tanong.

Bumugtong hininga ako.

"I'm fine," at iniiwas ang paningin ko sa kanya.

"Labas tayo boo, day-off naman natin." sabi pa niya na nasa akin parin ang paningin niya.

"Ito na ba ang huling labas na magkasama tayo?" sinasabi ng isip ko

"Ok," tipid kong sagot.

"Dumeritso ka na sa room magpalit ka, sa labas na din tayo magbreakfast." pakli pa niya, pautos.

Wala naman ako iba nasabi dahil wala kahit isang salita na lumabas sa bibig ko ngayon. Ang tanging nasa isip ko lng at nararamdaman ko ngayon ay magkakahiwalay na kami.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon