Chapter 23- Caught

4.4K 112 6
                                    


Patrick's POV

"Bakit, ang tagal naman ata ihatid ni Gwapo dito si Cassie?" medyo pasigaw ko kay Marco na busy sa celfone niya.

"Aba! malay ko, baka nagtour pa sa buong company, hehe" ibinato ko ang cap kong suot dahil sa sinagot niya sa akin.

Kanina pa kasi namin hinihintay dito sa locker room si Cassie at si Chel, alam namin na lagi inihahatid ni Jigs si Chel dito, kaya naisipan ko itxt kanina si Gwapo.

Flashback:

To: Gwapo

Pre, magkakasabay na tayo ng shift, inilipat kame ni Marco sa panggabi.

Siya nga pala, ihatid mo dito ang Angel mo mamaya, ha? para naman di ma op sa moment ni Jigs at Chel.😆

From: Gwapo

Ok..

Uso talaga now yung sa hinaba haba ng message mo, 'Ok' lang ang isasagot sayo... haist!

End of Flashback...

Tumingin ako sa relo ko para makita siyempre ang oras, 6:50pm na pala, ten minutes na lang at uwian na. 'Asan na ba yung mga yun!' singhal ng isip ko sabay napakamot sa ulo ko.

Kelangan pa kasi namin turuan ng ilang gawa si Cassie bago kame tuluyang umuwe, kaya hintay na hintay kame ni Marco.

"Baka naman kasi andyan na sa hallway!" nakita kong tumayo na si Marco, at papalapit na sa akin.

Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang sliding door sa may locker area namin. Lumuwa ang katauhan ni Jigs at Chel sa pagbukas nito.

"Oh! aga niyo ata nakatapos ngayon? kunti lang ba ang gawa?" tanong ni Chel habang papaupo sa bakanteng silya, habang nakatayo lang si Jigs sa may tabi niya at kumaway sa amin.

"Nasaan si Cassie, Chel? kasabay niyo ba siya?" biglang tanong naman ni Marco

"Bro, asa hallway pa papunta na dito, kasama si Gwapo." sambit naman ni Jigs habang may inaabot na mask kay Chel.

"Tara nga Marco, silipin natin yung dalawa," pag aaya ko pa kay Marco


"Oh, Chel! bibigyan namin kayo ng moment time ni Jigs, ha? lalabas muna kame ni Pat, itodo niyo na yan, bago kayo sumabak sa mga machine mamaya, haahha." nahampas naman agad ni Chel ang braso ni Marco.

"Parang isang taong di nagkita at nagkasama, pre?" halakhak naman ni Jigs na sinabayan naman ng irap ni Chel sa aming tatlo.

Sumenyas naman agad si Jigs sa amin na tigilan ng magbiro dahil meron daw si Chel ngayon, tigre daw ngayon ang gf niya. Napatakip kame ng bibig ni Marco at pinipigilang humalakhak.

Nagtawanan kame ng makalayo na sa magjowa na iniwan namin, nang makarating kame sa harapan ng pinto kusa itong nagbukas dahil sa sensor nito. Humakbang kame ni Marco palabas ng biglang...

"Ay! shemay! naman!" pagkabigla namin ni Marco sabay napatakip uli ng bibig.

Hinila ako ni Marco sa gilid ng sliding door, pinindot niya ang open para manatiling bukas lang ito, tanging ulo lang namin ang nakalabas sa pinto.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now