Chapter 27 - Jealous

4.3K 124 7
                                    


Drixler's POV

Saktong alas-sais ng umaga natapos namin ni Jigs lahat ng gawain namin sa dumaang magdamag. Tumayo ako matapos magrecord sa computer ng output namin. Isa-isa ko kinuha ang mga plastic ng basura para itapon ito.

"Jigs, ano, tapos ka na ba d'yan? Baba muna ako itapon ko mga basura, sunod ka na lang."

"Sige bro, sunod ako." Saad pa niya habang inaayos ko ang mga plastic ng basura.

Lumabas na ako ng cleanroom na dala dala ang mga basura. Pagdating ko sa locker hinubad ko ang lab gown at isinuot ang sapatos ko, kinuha ko rin ang celfone ko at inilagay sa bulsa saka ako dumiretso ng elevator.

Pagdating sa groundfloor lumiko ako pakaliwa ng hallway para dalhin ang mga basura sa mismong tambakan. Nang maitapon ko naglakad ako sa tambayan sa may harapan ng company, maaga pa kaya wala pang shuttle na dumadating.

Nadatnan kong mga nakatambay na dun ang tropa ni Alex na sina Jon at Yves na kapwa trabahador din sa company na ito. Nasa second floor ang department nila, nang makalapit ako sa kanila naupo ako sa isang bench na katabi ng inuupuan nila.

"Musta, Gwapo!" Bungad sa akin ni Jon sabay nakipag shake hands pati si Yves na nakangiti.

Inabot ko mga kamay nila ng may ngiti sa labi. "Ito, ok naman nanatiling Gwapo!" Pagbibiro ko pero tunay naman na ako ay isang gwapong nilalang. Makuha kayo sa joke! Haha

"Paki-ambunan mo nga kami pare, hahaa!" Biro niya na sinabayan ng pagtawa.

Nakitawa ako sa kanila at hindi na sumagot. Kinapa ko ang celfone na nasa bulsa ko dinukot ko ito para tingnan. Madami ako notification kaya isa-isa ko tiningnan, mga likes at message ni Chloe ang nakita sa messenger ko.

"Ano'ng problema nitong babae na ito!" Singhal ng utak ko ng makita ang napakadaming message niya sa akin. Binasa ko lahat ng message niya wala naman iba masabi kundi "How to convince you to give me a Second Chance".

Naiiling na lang ako habang binabasa ang mga message ni Chloe. "Ano bang akala niya sa naging relasyon namin mala Basha at Popoy ang peg, na may second chance. Ewan ko sa'yo Chloe hanapin mo ang paki ko d'yan sa Pinas baka sakaling makita mo!" sinasabi ng buong utak ko, hindi ko siya nereply sa hinaba haba ng mensahe niya seen lang makikita niya.

Tahimik akong naglalaro kahit naiinis ako dahil di ako makaalis sa level 95, "Ay! Pucha! Pag minamalas ka naman talaga, Oh! no life na ako!" Sigaw ko pa sa sarili ko.

Dahil wala naman ako makita maganda sa fb pumunta ako sa apps ko ng game, "Mas ok pang mag candy crush kesa magbasa ng kasinungalingan mo, Chloe," sambit pa ng isip ko habang iniopen ang apps ng games.

Ibinalik ko na ang celfone sa bulsa ko at akmang tatayo na ako para bumalik sa taas ng marinig ko naman ang usapan ni Jon at Yves. Pinag-uusapan nila ang Angel ko. Kinuha ko uli ang celfone sa bulsa at nagkuwari na may tinitingnan, nagpatay malisya ako na di ko sila naririnig.

"Pare, ang ganda talaga nung bago sa fourth floor, si Cassandra, nakita ko na naman kanina nung umakyat ako 'dun." Rinig kong kwento ni Jon.

"Sinabi mo pa, hindi lang maganda sexy pa kita mo ang suot kagabi mapapa shit! ka na lang talaga, pare." Dagdag pa ni Yves

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now