Chapter 38 - Song of the Heart

4.2K 109 6
                                    


Cassie's POV

Mabilis lumipas ang isang linggo, tapos na naman ang isang buwan, change shift na uli. Morning shift naman ako this month, kami mga night shift ang nagtapos ng trabaho kagabi kasi wala na pumasok na mga pang-umaga kanina.

As expected puno na naman ang buong dormitoryo ng tao, para na naman kami nasa arena sa dami ng company worker's dito.

Kumusta kami ni Drixler? Ligawan stage parin, hindi ko pa siya nasasagot. Bakit? Kasi naman last week balak ko na talagang ibigay sa kanya ang matamis kung 'OO' kaya lang ang daming umepal sa moment namin. Kaya till now napending si 'OO' but hopefully soon, masabi ko na sa kanya.

Ngayon napapaisip ako kung paano ko siya sasagutin kasi... never na siyang nag 'I love you' mula nung nahuli kami ng mga kakwarto niya na muntik ng magkiss. Haist! that moment... sarap alalahanin. ' I can't help myself to falling in love with somebody like you' mapapakanta ka nalang talaga.

Andito ako ngayon sa bed ko pumasok muna ako pagkadating namin galing company. After thirty minutes lalabas na rin ako papunta tambayan para magbreakfast. Magluluto daw muna sina Drixler kaya pinapasok muna ako para makapahinga daw.

Nakikinig ako ng music ng biglang magvibrate ang phone ko.

From: Drixler

Can you come here now? I miss you already..💙

Yan ang sinasabi ko kahit hindi ko pa siya sinasagot parang boyfriend ko na siya kung umasta.

Nagtype ako para ireply siya.

To: Drixler

Coming...😊

and then send.

Tumayo na ako at nagpalit muna ng damit, nagsuot ako ng isang v-neck plain white shirt at denim short mainit kasi at isa pa summer na. Itinaas ko ang buhok ko para maaliwalas sa mukha. Sinulyapan ko uli ang kabuuan ko sa salamin saka lumabas ng kwarto.

Paglabas ko palang ng pinto may mga bumabati na sa akin. Ngayon ko lang lubos na naisip na di na talaga ako bago sa dorm na ito sa dami na ng may alam ng pangalan ko. Ok, nginitian ko lang at walang katapusang hi, hello lang ang maisasagot ko sa kanila.

Pagdating ko sa tambayan may hinanap agad ang mga mata ko. ''Asan ang pinakagwapo?'' Andito na sila lahat pwera sa hinahanap ko na nagtxt pa sa akin kani-kanina lang.

"Oh, bessy! andito ka na pala? ano'ng tinatayo-tayo mo d'yan, bakit di ka lumapit dito." napapitlag ako ng magsalita ang nakapansin sa akin na si Jayme.

Halos busy sila sa pagluluto. Lumapit ako sa kanila at...

"Oo, kadarating ko lang, kanina pa ba kayo dito? sorry, kakalabas ko lang."

"Oks lang yon," si Marco

Nanatili ako nakatayo sa harapan nila, di ko kasi alam gagawin ko.

"Psst... bes," pasimple kong tawag kay Jayme agad naman siyang lumingon

"Ano?" lumapit siya sa akin

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now