Chapter 46 - Trouble

3.7K 104 2
                                    

Cassie's POV

Nagpapalit-palit ako ng tingin sa hawak kong celfone at sa katabi kong si Jayme dito sa tambayan. Hindi ako mapakali sa pag iisip habang naiwan kami dito, ayaw ko sanang pumayag sa gusto ni Drix na makipag usap sa ex niya, pero ayaw ko namang isipin niya na possesive girlfriend ako or selosa.

Pero ba't ganun ang nararamdaman ko, bakit hindi ko mapigilan na hindi mapaisip kung ano na nangyayari sa usapan nila sa mga oras na ito.

Tila napansin naman ng kasama ko ang pagkabalisa ko.

"Hoy,bessy, ok ka lang ba?"

Napatingin lang ako sa kanya at walang maisagot. Tumayo ako at nagpalakad-lakad sa harapan niya para sana marelax ang sarili ko.Nang muling pansinin na naman ako ni Jayme.

"Hoy! bessy, ano bang ginagawa mo? nakakahilo ha, itigil tigil mo nga yan, kaloka!"

''Ano ba! e sa hindi ako mapakali e, magagawa mo!?" singhal ko sa kanya.

"Hala siya! Ang sungit! wag mong sabihin na inaatake ka d'yan ng selos." napatigil akong nakasimangot sa harapan niya.

"Is it healthy in a relationship to feel that way?" bulaslas ko nalang ng hindi ko alam kung saan sulok ng utak ko galing.

"Aruy! nagseselos nga, kailan mo pa natutunang magselos?" panunudyo pa niya.

"Ewan ko sayo!" inirapan ko siya dahil naiinis ako sa nararamdaman ko.

"Hoy babae, di ba nagpaalam sayo jowa mo, ang linaw linaw ng sinabi niya kakausapin ang EX ng matauhan, hindi niya sinabi na babalikan. May pa I trust you, i trust you ka pa nalalaman, tapos mag-iinarte ka ng ganyan." Jayme is right sinabi ko nga yon, pero di naman rin siguro masama kung may curiosity na naglalakbay sa isipan ko.

"Masisisi mo ba ako sa nararamdaman ko, kahit naman sino sigurong girlfriend magiging ganito pag alam nila na kinakausap ng boyfriend nila ang EX nila." ibinulsa niya ang celfone na hawak at tumingin sa akin.

Daig ko pa ang bata na napagalitan ng tatay dahil sa hitsura ko na parang naiiyak at nahahabag sa sarili.

Inabot ni Jayme ang kamay ko.

"Halika nga dito, maupo ka." sumunod lang ako sa bestfriend ko naupo muli ako sa tabi niya."Hindi naman kita sinisisi sa nararamdaman mo, nanibago lang ako kasi ngayon lang kita nakitang nagkakaganyan." paliwanag niya pa.

"I don't even know bes, naramdaman ko nalang nung nagpaalam si Drix kanina." pag-amin ko pa sa kanya.

Napangiti siya.

"Nagseselos ka dahil mahal mo siya. Ayun ang pinaka the best na answer kaya mo nararamdaman yan." napangiti ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Pasok na muna kaya ako sa kwarto, hindi ko siya kayang harapin na ganito hitsura ko, isa pa medyo sumakit ulo ko." paalam ko sa kanya

"Sigurado ka ba bessy?" tumango lang ako."Ok, puntahan ko na lang sina paps Louie sa court, pero bago ka pumasok sa loob, tawagan mo muna jowa mo para naman alam niya, ok?" paalala pa niya bago kami nag-umpisa maglakad.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora